Chapter 23: Bon Appetit

334 16 0
                                    

NANG magising si Kelly kinabukasan halos malaglag ang kanyang panga nang makita niya ang mga pagkaing nakahain nasa mesa.

“What the—fiesta ba? Bakit andami namang pagkain?” gulat niyang tanong na mabilis na napalingon kay Christian na nasa kanyang likuran. “Ano ‘to?”

“Food,” simpleng sagot ni Christian sa kanya.

“Alam kong pagkain ‘yan pero bakit andami? Tayo lang nandito pero pang-isang barangay na ang pinahanda mo,” nawiwindang saad ni Kelly.

“It's for you.”

“Akin? Talaga sa akin?” pag-uulit na tanong ni Kelly sa binata.

“Yeah. These meals can help you gain muscle and increase your stamina," paliwanag ng binata sa kanya.

“Sure ka? Makakatulong ‘to sa akin?” paninigurong tanong muli ni Kelly.

“Yes. So you must eat them.”

“Eat? Lahat ng ‘to kakainin ko?” tanong ni Kelly habang itinuturo ang mga pagkain sa mesa.

“Yes.”

“Christian, alam kong mahina stamina ko at ‘di ako ma-muscle pero hindi ako balyena na kayang ubusin ang lahat ng pagkaing pinahanda mo. Hindi drum ang bituka ko!” pagbibigay diin na sabi ni Kelly.

Ano bang nangyari sa kanya? Nawalan lang ako ng malay kahapon paggising ko ganito? Ano bang nangyari habang natutulog ako?

Naguguluhan si Kelly sa kakaibang ikinikilos ng binata ni hindi niya alam kung bakit iyon bigla na lang nagkagano’n.

"All you have to do is eat it. I know you're starving." Sabay tulak nito sa akin paupo.

“Hindi pa naman ako gutom,” saad ni Kelly na pinipigilan ang pagtulak sa  kanya ni Christian sa pag-upo.

“Yes you are,” sabi nito at muling tinulak ang dalaga paupo ngunit nakikipagmatigasan ito.

“Hindi pa ako gu—”

Hindi na nagawang tapusin ni Kelly ang kanyang sasabihin nang mismong sikmura niya na ang umalma sa kagutuman. Namula naman ang mukha nito sa labis na kahihiyan na binigay sa kanya mg kanyang tiyan.

“Sa lahat ba naman na pagkakataon ngayon ka pa hindi nakisama,” sisi niya sa kanyang pahiyang sikmura sa kanyang isipan. “Well, ‘di lang pala tiyan ko kun'di halos lahat na bahagi ng katawan ko kay sari-sariling mundo.” Dagdag niya sa kanyang sarili.

“See? "Your stomach is starting to rebel because you're hungry," wika nito at hinila ang upuan at pinaupo si Kelly. “So better eat this foods.”

Gusto mapasapo ng kanyang noo si Kelly ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili dahil alam niyang mas magmumukha siyang kahiya-kahiya sa harap ng lalaking ito.

“What is exactly happening here, Christian?” tanong ni Kelly at saka ibinaling ang kanyang tingin sa pagkaing nakahanda sa mesa.

"It's all for you, as I just stated."

“Really? Christian, five-course meal? Lakas maka-set up nito sa fancy restaurant. Normal lang naman akong tao na sanay sa isang putahe,” saad ni Kelly na bahagya nakakaramdam ng pagkailang at napatinging muli sa binata.

"This is written out in our agreement, Kelly. That I should have taken care of your health, and that is exactly what I am doing," paliwanag ni Christian sa dalaga.

“So, ibig sabihin nito every meal ganito? Every day?”

“Yes.”

Muling ibinaling ni Kelly ang kanyang tingin sa pagkain. “Araw-araw?”

Contract with Mr. Hunter (COMPLETED)Where stories live. Discover now