Chapter 7: Day 1

466 23 10
                                    

SAMPUNG ORAS ang lumipas bago nakalapag ang sinasakyang eroplano ni Christian at halos hindi na maipinta ang mukha nito sa labis na pagkainis dahil sa tagal ng biyahe. Mas lalong nadagdagan ang kanyang pagkainis ng mapatingin siya sa kanyang orasan na pasado alas otso na ng gabi.

“Fuck!” malutong niyang mura. “Who the hell invented a GPS-enabled watch? What a piece of garbage!” Sabay hubad sa suot na relo niya at nanggigigil na itinapon iyon sa basurahan.

He had never been late for an appointment in his life, except this time when his watch and jet messed up, making his mood even worse.

“Crap! This is too annoying!” mura niyang saad ng makababa ng eroplano at lumabas ng airport sabay gala sa kanyang paningin na tila may hinahanap.

Sa di-kalayuan ay natanaw niya ang isang binata na kumakaway sa kanya. Mabilis na naglakad si Christian papalapit sa binata na siya rin siyang dali-daling pinagbuksan ng pinto ng sasakyan.

“To my house, Tyler,” utos ni Christian sa kanyang driver.

Hindi na umimik si Tyler at sinimulan ng buhayin ang makina ng kotse.

“Drive faster, Tyler. Someone is waiting for me.”

“Roger.” At mabilis na kinambyo ni Tyler ang gear stick  at pinaharurot ang kotse tulad ng utos sa kanya ng binata. Ngunit mukhang hindi sumasang-ayon ang pagkakataon kay Christian ngayon dahil sa naipit sila sa matinding traffic na dulot ng banggaan ng dalawang sasakyan.

“Sir, pasens'ya na po pero hindi po tayo makakausad hangga't hindi inaalis ang nagkarambolang sasakyan,” paliwanag ni Tyler ng makabalik siya matapos tignan ang nangyaring aksidente sa kanilang unahan.

Napaingit si Christian sa sobrang pagkasiphayo. “Fuck!” mariin at malutong niyang mura sa malalim nitong paghinga.

“Pasens'ya na, Sir,” paghingi ng dispensa ni Tyler.

Hindi umimik si Christian at ipinikit ang kanyang mga mata at pilit na ni-re-relax ang kanyang sarili.

“This is frustrating!” saad niya sa kanyang isipan.

“Wake me up when the damn cars are removed,” wika ni Christian na pilit itago ang kanyang pagkainis ngunit ‘di umaayon ang mga salitang binitawan niya.

“Masusunod po,” tugon ni Tyler kahit na hindi siya tinignan ng binata.

Ipinikit ni Christian ang kanyang isipan hanggang sa unti-unting nilamon ito ng kahinahunan at makatulog mg hindi niya namamalayan.

“SIR? Sir?”

Naalimpungatan si Christian nang marinig niya ang mahinang pagpukaw sa kanya ni Tyler na nasa pinto ng sasakyan.

“Is everything fixed?” tanong ni Christian na kinukolekta pa ang kanyang huwisyo.

“Sir, narito na po tayo sa bahay niyo,” wika ni Tyler.

“What?” tanong ni Christian sabay tingin sa kanyang braso para tignan ang oras ngunit naalala niya na itinapon niya pala ang relong suot niya kanina. “Shit!” Sabay sapo sa kanyang ulo.

“Ginigising ko po kayo kanina pero mukhang pagod po kayo kaya ‘di po kayo magising kaya hinayaan ko na lamang po kayo.” Dagdag na paliwanag ni Tyler.

"Can you tell me what time it is?" tanong ni Christian.

“10:30 po, Sir.”

“Fuck!” mura nito at dali-daling bumaba ng kotse. “Thanks, Tyler. You can rest now,” saad nito at dumiretso papasok ng bahay niya.

Contract with Mr. Hunter (COMPLETED)Where stories live. Discover now