Chapter 26: Rumble

258 15 0
                                    

MALALAKI ang naging hakbang ni Christian papasok ng kanyang bahay habang nilalamon nang labis na pag-aalala kay Kelly. Pagkapasok na pagkapasok niya sa kanyang pamamahay ay nakita niyang nagtatalo sina Rachel at Patricia.

“Rachel?”

Bigla naman napalingon ang dalawang nag-aaway kay Chrisian.

“What’s going on?’ tanong ni Christian sabay tingin kay Rachel. “What are you doing here, Rachel?”

“Christian…” mahinang tawag sa kanya ng isang pamilyar na boses na siyang nagbigay sa kanya ng kakaibang kaba hanggang sa makarating sa kanyang bahay.

“Kelly?” At naglakad at ito patungo sa pinanggagalingan ng boses nito kung kaya nilampasan niya sina Rachel at Patricia na nakaharang sa kung saan naroon ang dalaga.

“Step away,” mariin niyang saad sa dalawang babae na nakaharang sa kanyang daan.

Hindi umimik ang dalawa at tahimik na tumabi para makaraan si Christian at laking gulat nito nang makita si Kelly na hawak-hawak ang ulo nito dahilan para mapatakbo ito papalit sa dalaga.

Napaluhod ito sa harapan ng dalaga. “What happened to you?” nag-aalalang tanong nito sabay tingnan nang mabuti.

“Wala ito. Nagkaroon lang ng—”

Hindi natuloy ni Kelly ang kanyang sasabihin nang makita ni Christian na may bahid ng dugo sa kamay nito kaya hinatak niya ang kamay dalaga pata makita kung ano ang itinatago nito sa kamay.

“What is this?” mariing tanong ni Christian nang makita ang dumudugong ulo nito. Nilingon ng binata ang dalawang dalaga sa kanyang likod at tinignan nang masama.

“What did you do to her?” sigaw ng binata.

“Christian, wala—”

“Tell me!” sigaw ni Christian kina Rachel at Patricia na nanlilisik ang mga mata dahil sa galit.

Hinawakan ni Kelly ang binata sa dulo ng sleeve nito. “Christian…” mahinang tawag niya.

Nakita ni Kelly ang pagtiim-bagang ng binata dahilan para mas mapakapit pa ito nang mahigpit sa dulo ng long sleeve nito. Dinig na dinig ang mabibigat at matatalim na paghinga ng binata nang sandaling iyon ngunit matapos ang ilang segundo ay ibinaling niya ang kanyang tingin kay Kelly.

“Christian, pakinggan mo muna ako saglit,” mahinang pakiusap ni Kelly ngunit bago muli siya makapagsalita ay nakaramdam itong pagkahilo. “Hindi—” hindi nagawang tapusin ni Kelly ang kanyang sasabihin nang mawalan ito ng malay.

“Kelly! Kelly! What happened?” tanong ni Christian na labis na nag-aalala sa kalagayan ng dalaga. “Kelly! Hey, open your eyes!” saad nito habang tinatapik ang pisngi ng dalaga para magising ngunit hindi.

Napakuyom ang mga kamao ni Christian kasabay ng pagngitngit ng kanyang mga ngipin. Humugot ito nang matalim at mabigat na paghinga saka walang kahirap-hirap na kinarga niya ang dalaga at humarap sa dalawang dalaga na may madilim na awra.

“We're not done yet,” nagtatangis ang bagang saad ni Christian. “Pray that there's nothing wrong happened to her. I don’t know what I’m going to do to the both of you.” At nagsimulang humakbang palabas ng bahay.

Malalaki ang naging hakbang ang ginawa ni Christian para mabilis na makarating sa kanyang kotse. Nang nasa tapat na nito ay dali-dali niyang binuksan ang pinto at maingat na pinaupo niya ang dalaga. Matapos na maiayos niya ang pagkakaupo nito at masiguro ang seatbelt nito ay patakbo siyang naglakad papunta sa driver’s seat. Mabilis niyang binuhay ang makina at kinambyo ang gear stick saka inapakan ang accelerator nang buong diin dahilan para humararurot ang kanyang sasakyan nang napakabilis. Wala itong sinayang na oras kaya hindi pa man nagtagal ay mabilis silang nakarating ng ospital at agad na natignan ang kalagayan ni Kelly at binigyan ng lunas.

Contract with Mr. Hunter (COMPLETED)Where stories live. Discover now