Chapter 5: About Him

474 25 1
                                    

AHH!” malakas na hiyaw ng isang babae kasabay ng mga pagkabasag ng mga mababasaging bote ng pabango.

Kitang-kita ni Christian kung paano magwala ang kanyang ina na animo'y nababaliw sa harap ng dresser nito.

“Why? Why am I unable to smell anything? Victor, why did you abandon me? Was my scent unsuitable for you? Isn't that enough? Do you wish for more? More? More!" tanong ng kanyang ina sa sarili nito sa harap ng salamin na kitang-kita ang kawalang katinuan nito.

Gulong-gulo na pinagmasdan ni Christian ang kanyang ina habang kinukuha nito ang isang bote ng pabango at saka ini-spray sa buong katawan na walang katapusan kasabay ng paghalakhak nito ng parang sa baliw.

“Mama…” lumuluha at nanlulumong tawag ni Christian sa kanyang ina.

Muli itong sumigaw at hinagis ang bote ng pabango na tumama sa dingding dahilan para mabasag ito.

“Victor! Hindi pa ba ako sapat? Hindi mo ba ako mahal? Sabihin mo! Bakit kailangan mong gawing miserable ang buhay ko!” humihiyaw at galit na tanong ng ina ni Christian.

Habang pinagmamasdan ni Christian ang nagwawala niyang ina ay binalot siya nang matinding takot at pagkalito.

“Mama…” muli niyang tawag sa kanyang ina dahilan para mapalingon ito sa kanya.

“Ikaw…” mahinang saad ng ina ni Christian na may mga tinging hindi maipaliwanag sa kanyang anak. “Ikaw!” sigaw nito at dali-daling sinunggaban si Christian.

“Mama!” napasigaw si Christian sa biglang itinuran ng kanyang ina sa kanya.

“Victor, bakit mo ako iniwan? Hindi pa ba sapat ang lahat ng ginawa ko para sa 'yo?” tanong ng ina ni Christian na labis na kinakain ng kanyang pagkasiphayo habang mas lalong humihigpit ang pagkakahawak nito sa mga balikat ng kanyang anak.

“Ayaw mo ba sa amoy ko kaya mo ako iniwan? Sabihin mo sa akin, anong ayaw mo sa akin? Mabango naman ako, 'di ba? Hindi ba?” paulit-ulit nitong pangungulit habang nakatingin sa kanyang anak na sa kanyang paningin ay ang kanyang asawa na si Victor.

Bagamat nanginginig ang katawan ni Christian ay hinawakan niya ang mukha ng kanyang ina. “Mama, ako po ito hindi po ako si Papa,” naluluhang pagtatama ni Christian sa kanyang ina.

Ngunit wala sa tamang katinuan ang kanyang ina at pilit na ini-insist na siya ang kanyang ama. Hindi rin kasi maipagkakaila ang pagkakamukha ni Christian at ng kanyang ama na halos pinagbiyak na bunga ang pagkakaiba lang ay baby face pa si Christian at ang kanyang ama ay mature nang tignan.

“Victor, sumagot ka! Bakit mo ako gustong iwan? Sumagot ka! Sagot!” mandang sigaw ng ina ni Christian na mas humigpit ang pagkakahawak sa mga braso ng sarili niyang anak.

“Mama, tignan niyo po akong mabuti. Ako po ito si Christian, anak niyo,” garalgal na pakiusap ni Christian sa kanyang ina na pinipilit ang kanyang sarili na 'wag matakot.

“Bakit? May bagong babae ka bang kinahuhumalingan? Sumagot ka!” sigaw ng kanyang ina sa pagmumukha nito habang niyuyugyog ito nang malakas at pilit pinapaamin.

“Mama! Buksan mo ang mga mata niyo!” sigaw din ni Christian ngunit bulag ito nang matinding emosyon na kahit sarili nitong anak ay hindi niya magawang makilala.

“Victor! Sumagot ka! Sabihin mo sa akin ang totoo! Sabihin—”

“Rowena! Pull yourself together!” sigaw ng isang matandang lalaki na mabilis na itinulak ang ina ni Christian dahilan para maalis ang pagkakahawak niya sa anak niya.

Niyakap naman nang napakahigpit at pilit na tinatago si Christian ng matandang babae sa kanyang mga braso.

Napatingala si Christian. “Lola?” gulat nitong usal.

Contract with Mr. Hunter (COMPLETED)Where stories live. Discover now