Chapter 47: Without Him

247 15 0
                                    

LUMIPAS ang mga araw at tulad ng pangako ni Seb ay inilaan niya ang buo niyang oras sa tabi ni Kelly para alagaan ito. Ipinaramdam at ipinakita niya ang pagmamahal at pag-aaruga na kailangan ng dalaga para maramdaman nito na hindi ito nag-iisa at nariyan lang siya handang siyang damayan sa anong lungkot at pangungulila na nararamdaman nito para kay Christian. Ngunit hindi naging madali ang lahat, kahit na ibinibigay niya ang pag-aaruga at atensyon na kailangan ng dalaga ay hindi pa rin nito maikukubli na si Christian pa rin ng puso’t isipan ng dalaga. Bumagsak ang katawan nito at nangitim ang paligid ng mga mata na animo’y isa ng zombie sa labis nitong pag-aalala sa binata.

Hindi sumuko si Seb at ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya habang inaalagaan niya si Kelly ay patuloy pa rin siya sa paghanap sa taong makakatulong kay Christian para tuluyan na itong makalaya sa mga kamay ng mag-amang Zendejas.

“Seb, may balita na ba sa taong hinahanap mo?” bulong na tanong ni Manang Cely kay Seb na ngayon ay abala sa kanyang laptop.

“Wala pa po. Patuloy pa rin po sa paghahanap ang imbestigador pero may bago po siyang lead tungkol sa taong makakatulong kay Ian,” wika ni Seb.

“Sana mahanap na ang taong ‘yan. Hindi maganda ang nagiging sitwasyon ni Kelly kapag nagpatuloy ito—”

Pinutol ni Seb ang sasabihin ni Manang Cely.

“Manang, ‘wag po kayo magsalita ng ganyan,” awat ni Seb.

Napayuko ang matanda. “Nag-aalala lamang ako sa kondisyon niya, Seb.”

Hindi umimik ang binata at nagpakawala nang mabigat na pagbuga.

“Seb, hindi sa nakikialam ako pero sa tingin ko makakabuti kung sasabihin na natin kay Kelly ang totoong nangyayari. Kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakauwi si Ian sa tingin mauunawaan niya naman ang lahat kapag ipinaliwanag natin sa kanya nang maayos.”

Isinara ng binata ang laptop at ibinaling ang kanyang tingin kay Manang Cely.

“Hindi, Manang. Wala tayong sasabihin kay Kelly,” matigas na saad ni Seb.

“Pero—”

“Manang, hindi. Hindi niyo po ba nakikita na malaki ang naging epekto sa kanya ng pagkawala ni Ian? Paano na lang pagnalaman niya pa na ikinulong ng Hari’t Prinsesa ng Saud si Ian at pinagmamaltratuhan?”

“Pero karapatan pa rin ni Kelly na malaman ang katotohanan, Seb.”

“Karapatan niya nga po, Manang Cely pero makakabuti ba ito sa kanya o makakasama?” pagbabalik na tanong ni Seb sa matanda.

“Pero, siya lang makakapagsabi kung masama o hindi ang bagay na ‘yan.”

“Manang, naiintindihan ko po ang nais niyo iparating pero sobra-sobra na po ang pinagdadaanan niya ngayon. Napapabayaan niya na ang sarili niya. Pinahihirapan niya ang sarili niya. Hindi pa po ba ‘yon sapat at kailangan pa nating dagdagan ang paghihirap niya?”

Hindi nakaimik si Manang Cely at napayuko na lamang.

Hinawakan ni Seb ang kamay ng matanda. “Manang, pareho lang po natin iniisip ang kapakanan ni Kelly pero sa ngayon isipin natin ang makakabuti para sa kanya. Hangga't maaari ‘wag po natin siya bigyan ng rason para muli o mas lalong ilagay sa kapahamakan ang buhay niya at ng anak nila ni Ian,” mahinahong saad ng binata.

MABILIS na lumipas ang mga araw at bumalik ng ospital sina Kelly at Seb para muling magpatingin ng kalagayan ng dalaga. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkrus ang landas nina Kelly at Rachel na siyang ikinabigla ng doktora.

“Kelly?” tawag nito sa dalaga.

Humarap si Kelly nang walang kabuhay-buhay sa direksyon kung saan nanggaling ang pagtawag. Nanlaki ang mga mata ni Rachel nang makita ang itsura ng dalaga dahilan para dali-dali itong lumapit dito.

Contract with Mr. Hunter (COMPLETED)Where stories live. Discover now