Chapter 36: Coldness within Him

272 17 0
                                    

MATAPOS ang hindi maipaliwanag na pangyayari at ikinilos ni Christian ay hindi nito kinausap si Kelly at bigla rin itong nagbago. Sa isang iglap at ‘di malaman na dahilan ay iniwasan ni Christian ang dalaga kung noong una silang magkita ay nagawa pa nitong tignan sa mga mata si Kelly ngayon ay hindi na. Everything they'd done in progress had been drained into nothing, and no matter how hard Kelly tried to approach Christian, she was always shut down by his silence.

Bagsak ang mga balikat ni Kelly nang pumunta ito sa kusina. Kitang-kita ni Manang Cely ang walang kabuhay-buhay na awra ng dalaga.

“Hindi ka pa rin ba iniimikan ni Ian?” nag-aalalang tanong ni Manang Cely kay Kelly.

Hindi nagsalita si Kelly at tanging isang nanghihinang iling lamang ang kanyang itinugon sa matanda.

“Heto, inumin mo muna ito para kumalma ka,” saad ni Manang Cely sabay inilapag ang matcha green tea sa harapan ng dalaga.

Nanatiling walang imik ang dalaga at pinagmasdan lamang ang tsaang nasa kanyang harapan. Habang pinagmamasdan niya iyon ay unti-unting nanlabo ang kanyang mga mata hanggang sa isa-isang kumawala ang mga maiinit na butil ng luha sa kanyang mga mata. Pinilit niya ang kanyang sarili na ‘wag mapahagulgol ngunit hindi niya magawa dahil sa labis na bigat na nararamdaman niya sa kanyang dibdib.

“Manang, hindi ko po maintindihan. Okay naman kami pero bakit po nagkaganito? Bakit sa isang iglap nagbago ang lahat, siya?” humahagulgol na tanong ni Kelly sa matanda.

Lumapit si Manang Cely kay Kelly at sinimulang hagurin ang likod nito para pakalmahin.

“Alam kong nalilito ka, Kelly, pero may unawain mo na lang si Ian,” marahang saad ni Manang Cely.

Liningon ng dalaga si Manang Cely na may lungkot at labis na nasasaktan. “Paano ko po siya uunawain, Manang Cely? Paano? Hindi ko po alam kung ano ang rason niya kung bakit ginaganito niya ako. May nagawa ba akong ikinagalit niya sa akin?” sunod-sunod na tanong ni Kelly na punong-puno ng pagkasiphayo.

“Alam kong maraming gumugulo sa ‘yong isipan, Kelly, pero mas makakabuti kung ikakalma mo ang iyong sarili. Hindi makakabuti para sa ‘yo at sa bata ang nagkakaganito ka,” paalala ni Manang Cely.

“Paano po ako mapapanatag, Manang, kung alam kong may mali sa nangyayari sa aming dalawa? Paano ko siya uunawain? Paano ko ipagsasawalang bahala ang ginagawa niya sa akin kung ang mismong pag-iwas at pananahimik ay sobra-sobra na para iparamdam sa akin na may maling nangyayari?” lumuluhang tanong ni Kelly na labis na nasasaktan. “Kaya ko naman ipagsawalang bahala ang lahat ng ginagawa niya, Manang, pero iba po ang sitwasyon ngayon. Ibang-iba kaysa noon.” At inalis ni Kelly ang kanyang tingin sa matanda at napasubsob sa kanyang mga palad, patuloy sa pag-iyak at paghagulgol.

Ramdam ni Manang Cely ang bigat at pagdaramdam na ipinaparating ni Kelly sa kanya ngunit wala siya sa posisyon para sabihin ang tunay na dahilan ni Christian, kung bakit ito nagkakaganito. Kung bakit mas nais nitong ikulong ang sarili sa k’warto at magpakasubsob sa trabaho. Alam niya nguni ayaw niyang makialam lalo na at personal na buhay na ng binata ang pinag-uusapan.

Inangat ni Manang Cely ang mukha ni Kelly nang dahan-dahan. “Hindi ko man magawang masagot ang lahat ng mga katanungan mo, Kelly. Ito lang ang tanging masasabi ko para sa ‘yo…” Pinunasan niya ang luha sa mga mata ng dalaga. “Babalik din ang lahat sa dati. Hintayin mo lang si Ian, siya ang lalapit sa ‘yo ‘yon lang ang kailangan mong gawin. Unawain at maghintay. Babalik din ang lahat sa dati. Babalik din si Ian sa dati, sa ‘yo,” mahinahong sabi nito at binigyan ng isang ngiti si Kelly.

May pag-aalinlangan man si Kelly ay pinilit niyang unawain ang lahat ng sinasbi ng matanda ngunit alam niyang mas kilala nito si Christian kaya nagawa nitong sabihin ang lahat ng mga binitawan nitong mga salita kani-kanina lamang. Tumingin ang dalaga sa itaas at nakita niya si Christian na nakatayo at nakatingin sa kanya. Nagkatingin sila sa mata sa mata. Walang nagsalita at tanging mga mata lamang nila ang nangungusap sa isa’t isa: ang isang mga matang labis na nasasaktan at ang isa naman ay walang kabuhay-buhay. Sinubukan ni Kelly na iparating ang kanyang nararamdaman sa binata sa pamamagitan ng kanilang pagtitinginan ngunit makalipas ang ilang sandali ay unang binawi ni Christian ang kanyang tingin at saka tuloy-tuloy na bumaba ng hagdan hanggang sa nilampasan lamang ang dalaga. Ngunit hindi pumayag ang dalaga at naglakas loob pa ring tawagin si Christian kahit na alam niya na hindi siya nito papansinin.

Contract with Mr. Hunter (COMPLETED)Where stories live. Discover now