CHAPTER TWO

169 2 0
                                    

NAGING maayos naman ang byahe nina Rudny at Rodjun hanggang sa makarating sila sa fortress mansion nila. Dalawang kotse ang nakasunod sa kinalulunaan nilang sasakiyan, sakay ng mga iyon ay ang mga itinalagang body guards ni Ricardo para sa kanilang dalawa.

Sa totoo lang ay hindi kumportable si Rudny sa ideya na may bumubuntot-buntot sa kaniya ng mga tao ng ama. Pero pagdating kay Rodjun ay ayos lang sa binata, pero pagdating sa kanya iritang-irita siya.

Matataas ang makakapal na pader ang nakabakod sa buong paligid ng mansyon. De high tech din mula sa malaking gate hanggang looban niyon ang mga appliances. Imported at galing pa mula sa ibang bansa ang mga iyon. Hindi basta-basta nakakapasok, kakailanganin na ma-encode muna sa record ang pagkakakilanlan ng mga taong labas-pasok sa Aragon's Mansion.

Lahat ng bawat sulok ay may mga nakakabit na CCTV camera, pwera lang sa loob ng mga bedrooms. Five storey ang naturang mansion ng mga Aragon na pinapalibutan ng mga maasahan tauhan din nila. Moderno ang pagkakadesinyo ng mansion na katulad ng mga bahay mula palm strings California modern house designs Spanish style.

Tuluyan silang lumabas na magkapatid sa kotse.

"Mauuna na ako sa silid ko Kuya Rudny,"nahahapong wika ni Rodjun.

Tumango lang naman si Rudny matapos nitong tapikin ang balikat ng binata. Halos siyam na taon din ang agwat ng edad nila pero hindi naman naging issue iyon dahil malapit sila sa isa't isa.

Nang makapasok na sa loob ng mansyon si Rodjun ay agad na binalingan ni Rudny si Acapel ang pinakapinuno ng mga tumatao sa loob ng mansyon. Maliit pa siyang bata ay naroon na ito, matalik na kaibigan ito yumaong ama ni Rodjun.

"Acapel, nakita mo ba si Dad?"tanong ni Rudny habang naglalakad siya papasok. Agad siyang dumiretso sa mini bar sa kanilang mansyon. Tuluyan niyang inabot ang  . Sinalinan ang basong babasagin na hawak-hawak lang naman niya.

Magsasalita na sana si Acapela ng makarinig sila ng pagtikhim mula sa direksyon ng pintuan.

"Dumating ka na pala iho,"bungad sa kanya ni Ricardo. Ang ama ng binata, umeedad na ito ng sing kuwenta'y singko. Pero matikas pa rin at maliksi ang bawat galaw, walang kupas din ang angkin nitong kagwapuhan magkagayunman ay hindi na ito nag-asawang muli matapos na mawala ang asawa. Dito nagmana si Rudny. Maliban lamang sa bigotelyo ang matandang lalaki at moreno ang kutis nito ay malayo naman ang binata dahil mestiso ito na nakuha naman niya sa yumaong ina.

"Yes Dad, kadarating lang namin ni Rodjun,"wika ni Rudny. Itinaas niya ang baso na hawak-hawak, napailing naman si Ricardo sa sandaling iyon ay tumanggi ito sa inaalok niyang tagay.

"Nasaan ang kapatid mo?"tanong ni Ricardo.

"Dumiretso sa silid niya, mukhang napagod,"simpleng wika ni Rudny na patuloy lang sa pagsimsim.

"Ganoon ba, kumusta ang naging transaction mo kay Mr. Cripson?"

"Okay na Dad, no worries susunod sa lahat ng napag-usapan ang lalaking iyon,"kumpiyansang saad ni Rudny na muling sinalinan ang baso ng matapang na brandy.

"That's good to hear, maasahan ka talaga. Alam ko hindi ako nagkamali na ikaw ang siyang humalili sa mga maiiwan kong obligasyon sa pamilya natin."Tinapik-tapik pa ng matandang lalaki ang balikat niya

"Thanks Dad, saan ba ako magmamana siyempre sa'yo,"mayabang na ani Rudny.

"That's my son! Pero sana hindi mo pa rin nakakalimutan ang mga pangaral ko sa'yo understood,"dagdag pa ng matandang lalaki.

"Of course Dad, hindi ko naman babalewalaen ang lahat ng iyon. Mga katulad lang ni Bernard ang papatawan kong magbigay ng buwis. Pambawe na rin sa mga taong inaagrabadyo ng Tatay niyang congressman,"sagot niya.

Mafia Boss Trapped (Completed)Where stories live. Discover now