CHAPTER THIRTY THREE

57 2 1
                                    

KASALUKUYAN nagmamaneho  si Rudny, nasa tabi niya sa mga sandaling iyon si Seth.

"Sino ba talaga ang D.A na 'yan Aragon?"pagtatanong nito.

"Inaalam ko pa lang,"maiksing sagot lang ni Rudny.

"Bilisan mo lang, dahil inaalala ko si Beatrice. Hindi ko yata maatim na bihag siya ng mga iyon,"patuloy nito.

Napatiim-bagang naman si Rudny, mahigpit niyang hawak-hawak ang manibela.

Maging siya man ay ganoon na ganoon ang nararamdaman. He felt lost that time, na para bang nangangapa siya ng kawalan ng ideya kung sinong kumidnap kay Beatrice.

At the same he hated his self, naisip na niya noon pa man na maaring maganap ito sa dalaga. Hinding-hindi niya patatawarin ang sarili kapag may nangyaring masama rito.

"Ang mabuti pa'y umuwi ka muna sa inyo Seth. Isasangguni ko muna kay Dad ito,"bilin niya sa lalaki.

"I insist to join the conversation Aragon, please..."pakiusap nito.

Napabuntong-hininga na lang si Rudny. Nilingon niyang muli ito.

"Huwag na Seth, enough na may isa ng nadamay dahil sa kapabayaan ko. Ayukong ikaw naman ang mayari kapag nakialam ka pa sa bagay na ito,"pinal na sagot ni Rudny. Tuluyan niyang inihinto ang kotse niya sa harapan ng building na pag-aari ng mga Amoroso.

"Baba,"utos ni Rudny.

Ngunit nanatiling hindi natitinag si Seth.

"Baba ka ba o ipuputok ko sa ulo mo ito mamili ka,"iritableng saad ni Rudny na inuumang ang baril na hawak kay Seth na nagulat.

"Pwedi ba Aragon huwag mo ngang itutok iyan at baka pumutok!"

"Pwes! kung ayaw mong tinututukan ka ng baril sumunod ka, labas na. Itong pagtutok pa lang ng baril sa'yo naduduwag ka na."Naiiling niyang sabi.

"Lagi mo na lang ginagawa iyan sa akin. Napakagaling mo rin, malay mo itong taong sinasabihan mong duwag ang siyang tutulong sa'yo kapag kailangan mo,"inis na sumbat ni Seth.

"Dami mo pa sinasabi ny*mal ka!"Kasabay niyon ang pagkasa ni Rudny sabay duro sa sentido ni Seth.

Wala na tuloy nagawa ang lalaki kung 'di ang magmadaling bumaba.

Bago pa isara ni Rudny ang pinto ay may sinabi pa ito kay Seth.

"Pakiusap lang huwag na huwag ka munang gagawa ng hakbang para sabihin sa Dad at sa sino man ang nangyari kay Beatrice. Lalo na sa mga pulis, I'll take the charge for now... is that clear."

Tumango lang ito, pagkatapos niyon ay tuluyan ng sumarado iyon.

Naiwan naman nag-iisip si Seth, hanggang sa tuluyan niyang inilabas sa bulsa ang hawak na IPhone.

"Goodafternoon Tito Vicenti, yes it's me Seth. I have a bad news for you, huwag ho sana kayong mabibigla. Someone kidnap Beatrice..."

NANATILING nakatayo mula sa bintana si Ricardo habang isinasalaysay nito ang nangyari kay Beatrice. Nang matapos siya ay nanatili pa rin itong tahimik sa sumunod na sandali. Nasa loob sila ng library ng mansion.

"Sa tingin mo sino ang taong likod ng pagkaka-kidnap kay Beatrice iho?"tanong din nito.

"Mayroon na akong kutob kung sino siya Dad," siguradong sagot niya.

"Sino, kilala ba siya ng pamilya?"takang-tanong ni Ricardo dahil napansin nito na siguradong-sigurado ito sa sinabi.

Ipinagkrus ni Rudny ang dalawang palad sa ibabaw ng table na kaharap niya at mataman nag-isip kung iyon na ba ang tamang oras para sabihin niya sa ama ang lahat ng nadiskubre niya.

Mafia Boss Trapped (Completed)Where stories live. Discover now