CHAPTER SEVENTEEN

75 3 3
                                    

NANATILI lamang nakamasid si Rudny sa likuran.  Nasa monitoring room siya ng casino, katatapos lang niyang bisitahin ang hostel nila sa may malate. Kahit paano ay walang naging aberya sa hindi niya  pagpunta roon ng ilang linggo.

Tuluyan niyang inilaglag sa lapag ang hinihithit na sigarilyo at madiin na tinapakan pagkatapos. Mabilis siyang naglakad.

"Hold on, check the camera fifty three please,"wika niya sa babaeng nakaupo sa harap ng isa sa monitor.

Sumunod naman agad ito at mabilis na iginalaw-galaw ang hawak na mouse tumipa-tipa rin ito sa keyboard.

"Zoom it,"mando pa ni Rudny.

Pinagmasdan ng binata ang mga nangyayari sa kuha ng footage mula sa loob ng casino, naningkit ang mata nito pagkatapos niyang mahuli na yinakap ni Beatrice si Seth. Tila may namuong kakaibang damdamin sa loob habang nakikita niya kung gaano mag-ngitian ang dalawa sa bawat isa.

Hindi na siya nagtagal doon at tuluyan nang lumabas. Tuloy-tuloy lamang siyang naglakad hanggang sa makasakay siya sa Ducati motorbike niya.

Parang wala na siyang pakialam sa mga sandaling iyon, patuloy lang siya sa mabilis na pagpapatakbo sa gitna ng highway. Halos lumipad ang kinalulunan niyang sasakiyan, naroon na nakipaghabulan pa siya sa mga traffic enforser.

Sa bilis ng pagpapatakbo niya ay halos trenta minuto lamang umabot ang biyahe niya. Pero kung susumain ay isang oras ang kinakalkula. Nakarating na siya sa kanilang mansyon at nai-park na niya ng tuluyan ang motorbike niya sa garage. Tinanggal na niya ang helmet na nanatiling nakakabit sa ulo at nagtuloy-tuloy na siyang naglakad papasok.

"Maaga kang umuwi ngayon iho,"salubong sa kanya ni Ricardo na nakasuot na ng pares ng damit pantulog. May tangan-tangan itong pasuwelo ng kape, kabaliktaran niya ay nagigising ang diwa nito kapag umiinom niyon. Pero ang ama, pagkatapos makainom ng kape ay mahimbing na itong nakakatulog.

"Maaga rin kasing natapos ang pagbisita ko sa Malate at sa casino Dad,"walang-gana niyang sabi.

"Nagpunta ka ng casino, ang alam ko naroon sina Rodjun at ang girlfriend mo,"nasa tinig ng ama ng binata ang panunudyo.

"Dad if kung si Beatrice ang tinutukoy niyo, she's not my girlfriend at hinding-hindi kami magiging dalawa! Hindi ko siya tipo!"banas na sabi niya. Hindi na niya pinakinggan si Ricardo tuloy-tuloy  siya sa paglalakad hanggang sa mini bar ng mansyon. Agad niyang inabot at binuksan ang isang bote ng mamahaling brandy na bigay ng matalik na kaibigan ng Dad niya.

"May problema ka ba?"pagtatanong pa ng matandang lalaki na naupo sa may stool ng counter kung saan nakaupo rin si Rudny.

Kasalukuyan na siyang naglalagay ng ice cube ito matapos nitong kumuha sa refrigerator na nasa kabilang panig.

"W-wala Dad, pagod lang ako,"kaila niya matapos magsalita ay inisang lagok niya ang alak na nasa baso. Ramdam niya ang pagdaan ng mainit at mapait na lasa sa lalamunan ng alak na kasalukuyan niyang nilalagok.

Muli niyang sinalinan ang baso matapos na maisaid at maibaba iyon.

"Talaga bang pagod ka, kilala kita Rudny. Kapag may gumugulo sa iyo, maari mong sabihin sa akin kung ano man iyan. Eventually I'm your father,"wika pa ni Ricardo.

Hindi naman naman umimik si Rudny, nanatili lamang nakatutok ang buong pansin niya sa harapan.

"I know Dad, it's nothing. Huwag mo na lang akong pansinin,"sabi na lang niya makaraan ang ilang sandali.

"Sige iho at ako'y mahihiga na, ingat na lang sa biyahe mo sa Roxas."Tukoy ni Ricardo sa condominium niya kung saan  tumutuloy si Beatrice.

Mafia Boss Trapped (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum