CHAPTER SIXTEEN

64 2 1
                                    

NAGLAKAD na palabas ng elevator si Beatrice. Katatapos lang ng interview niya sa Amoroso. Isang International Lending Company iyon, hindi aakalain ng dalaga na makukuha siya agad.

Bagaman at malayo sa dating posisyon na Business Analysis sa pag-aaring kumpaniya  nila, dahil magiging secretary lang naman siya ng anak ng may-ari sa bagong papasukan na trabaho. Ito rin ang mismong nag-interview sa kanya. Kahit paano ay kilala na niya ang magiging boss niya.

Tinignan niya ang IPhone niya para i-check kung may importanteng message siya. Sa pagliko niyang iyon ay bigla siyang natigilan sa paglalakad dahil sa may nabunggo siyang tao.

"S-sorry po!"paumanhin ni Beatrice sa lalaki na nasa kalagitnaan ang edad. Sa tingin niya'y hindi nalalayo ang edad nito sa ama ni Rudny na si Ricardo.

Matipid lamang itong ngumiti sa kanya, pagkatapos niyon ay naglakad na paalis ito habang patuloy sa pagdi-discuss naman ng lalaking kasama nito.

Ipinagkibit-balikat ni Beatrice ang kakaibang pakiramdam na bumalot sa kanya sa nangyari. Tuluyan na siyang naglakad, naisipan niyang mag-ikot-ikot muna sa mall na malapit doon.

KABILAAN ang mga paper bags na dala-dala niya ng mga sandaling iyon. Hinihintay niya sina Penelope at Farah, tinawagan niya ang dalawa upang makipagkita sa kanya at makapag-luch break habang hinihintay niya ang paglabas ni Rodjun. Napalingon siya kina Sigmund at Luther na nanatiling nasa kabilang  table.

"Hai bii!"tiling sigaw ni Beatrice nang makitang palapit na sa piniling table ang dalawa.

"Kumusta, wow! andami naman niyan,"puna ni Penelope sa mga shopping bags na nasa tabi ni Beatrice sa upuan.

"Yeah namili ako,"sagot niya na agad ng nagtawag ng waiter.

"Akala ko ba lahat ng credit cards mo ini-hold ng Daddy mo. Kataka-taka na may pera ka,"nakataas ang kilay na sabad ni Farah.

"Oo... ang totoo ipinahiram sa akin ni Rudny ang isang credit card niya para may magamit ako. So thoughtful of Ruru isn't it?"kinikilig siya.

"Grabe ka rin ang lakas mo sa kanya huh! ano bang pangba-black mail ang ginawa mo sa lalaking iyon at ini-spoil ka ng ganyan,"nakangiting wika ni Farah.

"Wala akong ginagawa, basta na lang niya ibinigay."

"Really? bago iyon ah. So nasaan siya?"tanong ni Penelope na lumingon-lingon pa.

"Gaga! hindi ko siya kasama. Sina Luther at Sigmund kasama ko."Kasabay ng pagturo ni Beatrice sa dalawang lalaking nakaupo hindi kalayuan sa table nila.

"Ano mo sila, bodyguards? OMG! iba ka na ngayon girl! masyado kang prinoproktektahan ni Fafa Ruru!"halos kilig na kilig.

"Eh, sinabi ko naman na huwag na, kaso mapilit kaya hinayaan ko na,"sabi ni Beatrice na nag-umpisa ng kumain sa inilapag na order nila ng waiter.

"Sabagay sa sobra mong pagdidikit sa lalaking iyon ay pwedi ka naman talagang mapahamak. Ano ba ang mundong kinabibilangan niya, mga prominente at makapangyarihan na mafia ng Alliance Aragon,"nalolokang ani ni Farah.

"Pwedi ba saan man siya galing o ano man sila ay tanggap ko siya. Wala akong pakialam basta ang gusto ko lang ay makasama siya,"matatag na sabi ni Beatrice.

"Kahit maraming babae iyon, my goodness bii! baka makuha niya lang ang pagkababae mo iiwan ka na! Kapag nangyari iyon sasabunutan talaga kita!"pangangaral ni Penelope sa dalaga.

Hindi nagsalita si Beatrice at iniikot pa ang mata. Nagrerebelde ang loob niya sa sinabi ng kaibigan.

Kaya nga wala siyang lakas ng loob na aminin sa mga ito ang plinaplano niyang pang-aakit kay Rudny. Dahil tiyak niyang pagagalitan lang siya ng dalawa.

Mafia Boss Trapped (Completed)Where stories live. Discover now