CHAPTER TWENTY FIVE

69 2 2
                                    

MAGKATABI silang dalawa ni Beatrice at Rudny sa mga sandaling iyon, sa ilang minuto na lumipas ay kuntento lamang silang magkayakap habang nakatitig sa itaas ng kisame. Ninanamnam nilang parehas ng katahimikan.

"Masaya ka ba Beatrice?"maya-maya naitanong ni Rudny. Tinapunan pa niya ang mukha ng dalaga. Bagama't kahit tanging ang malamlam na liwanag na nanggagaling sa lampshade ang tanging ilaw nila sa silid ng dalaga ay aninag na aninag pa rin ng binata ang napakagandang mukha ng babae.

Sa ilang linggo na nakalipas ng magkaroon sila ng pagkakaunawaan nila nito ay tila ba tuluyan nag-iba ang lahat ng meron sa kanila.

Kung dati ay napakalabo, ngayon ay walang kasing liwanag na ng lahat ang pinagsasaluhan nila. Wala man silang nasasabi verbally kung saan ba sila nag-umpisa o kung ano na bang label nila. Maliwanag na sa bawat isa na may koneksyon na nga sila sa isa't isa.

"Of course, I'm very happy Ruru. You give me everything I need in this world... isa na lang ang inaasam-asam ko,"may ningning ang mga matang saad ni Beatrice na napatitig sa mata ng binata.

"Ano iyon sweetheart?"

"Na balang-araw ay maipakilala na kita sa lahat, lalo na sa pamilya ko... Kay Dad at kay Kuya Novice."

Natigilan naman si Rudny at muli niyang naalala ang napagkasunduan nila ni Don Vicenti dati.

Piniling ngumiti ni Rudny, saka na niya iisipin iyon. Sa ngayon ay importante sa kanya ang anong meron silang dalawa ni Beatrice.

"Oh, ba't natigilan ka? May problema ba? sige kung hindi ka pa handa okay lang makapaghihintay naman."baling ni Beatrice nang mapuna nito ang pagsasawalang-kibo ng kasama.

"H-huh?, h-hindi ganoon iyon don't  worry sweetheart napagod lang ako,"dahilan ng binata at saka ito matipid na nangiti upang hindi na mag-isip ang babae.

"Asus! saan ka napagod sa dinaluhan mong meeting with a client o sa nangyari sa atin kanina,"anas ni Beatrice na inamoy-amoy pa ang leeg at gilid ng mukha ng binata.

"Both sweetheart, ang mabuti pa'y tigilan mo na iyan at maaga ka pa bukas. Siya nga pala, hindi kita maihahatid at masusundo bukas, magkikita kami ni Novice at Lawrence. Sasabihan ko si Luther at Sigmund na samahan ka hanggang sa makabalik ako,"bilin ng binata. Sumimangot naman si Beatrice halatang hindi nito gusto ang sinabi ng lalaki.

"Ahy ganoon ba, magpapasama sana ako sa'yo na magpunta sa isang party. Pero kung importante ang lakad mo  kasama sina Kuya Novice okay lang, but, remember tiyakin mong magbe-behave ka sa pupuntahan mo dahil marami akong kakampi at handang isumbong sa akin ang mga ginagawa mong kalokohan!"pananakot ni Beatrice. Hindi naman kababakasan ng kung ano ang mukha nito. Tila pa nga naaliw ito.

"Oo naman, importante lang kasi ito. Mukhang may problema ang Kapatid mo at si Shaina,"wika nito.

"T-talaga ano daw iyon?"usisa ni Beatrice.

"I don't know, noong isang araw actually itinawag na ni Novice. Kaso, lagi naman kasi tayong busy kaya hindi ko na nasasabi sa'yo."Kasabay niyon ang pagngiti ng nakakaluko ni Rudny ukol sa ginagawa nila kapag umuuwi silang dalawa ng sabay sa condo.

"A-ano ba ipaalala mo pa, kung ganoon take your time. Nag-aalala tuloy ako kung ano man iyan, isipin mo iyon, bagong kasal pa lang sina Kuya Novice at Ate Sha. Wala pa silang kalahating taon na mag-asawa pero nagkakaroon na sila ng ganyan na problema,"pagbibigay ng conclusion ng dalaga.

"Huwag mo nga silang pag-isipan ng kung ano-ano ang mabuting gawin natin ay makinig sakali at magbigay ng remedyo sa kung ano mang problema meron sila,"wika ni Rudny na tumayo na rin upang magpunta sa sariling silid.

Mafia Boss Trapped (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن