CHAPTER THREE

116 2 0
                                    

NAKARINIG siya ng sunod-sunod na katok mula sa pinto niya. Nang buksan niya iyon ay ang ama niyang si Don Vecenti ang nasa labas.

"Are you ready iha?"tanong ng matanda. Pinasadaan pa nito ang kabuuan niya, sa mga sandaling iyon ay katatapos lamang siyang ayusan ng mga professional make up artist at hair dresser na kinuha lang naman ng Mommy niya. Bagama't matagal ng naghiwalay ang mga magulang nina Novice ay kailanman ay hindi naman nakakalimutan ng ina niya ang obligasyon sa kanila.

Pero pares sa ibang mag-asawa na naghihiwalay ay hindi magawang makasundo uli ang mga ito. Paano ba naman hindi maganda ang paghihiwalay ni Don Vecenti at ni Donya Clarrise, kahit maliit pa siya noon ay hindi na siya inosenti sa mga nangyayari sa pagitan ng Mommy at Daddy niya. Parating pinagbubuhatan ito ng ama dahil sa walang tamang lugar na pagseselos. 

Hindi niya masisisi ang ina kung nagpakalayo-layo at tuluyan hiniwalayan ang asawa. Dahil labis din ang naging paghihirap nito sa piling ni Don Vecenti.

Matapos na magkagraduate ng highschool si Beatrice ay tuluyan ng ipinadala ang dalaga sa States at doon niya ipinagpatuloy ang pag-aaral.

Sa ngayon ay kadarating niya lamang mula sa ibang Bansa. Heto siya ngayon fresh college graduate sa ipinakuhang course ng Dad niya na Business Administration.

"Yes Dad, sandali lang at kukuhanan ko ang OOTD ko for tonight, tara po selfie tayo!"Magiliw na aya ni Beatrice.

"Hey Bii! kuhanan mo kami ni Dad ko ng picture!"pagtawag ng dalaga sa kaibigan niyang si Penelope.

"Ahy! Sige bii say sex Daddy!"maharot na sigaw nito. Isa kasing bakla ito. Agad na kinuha nito ang Polaroid camera ni Beatrice na ineregalo pa ni Novice sa kanya noong eighteenth debut niya.

"Ibang poise pa Bii!"pag-sa-sudgest ni Farah. Isa pang matalik niyang kaibigan. Elementary pa lang silang tatlo ay magkakasundo na sila.  Lahat ng secret na meron ang bawat isa  sa kanila ay alam nila.

Agad naman sinunod ni Beatrice ang utos ng dalawa. Enjoy na enjoy siya sa pag-po-poise habang si Don Vecenti ay natatawa na lang sa mga kalokohan nilang tatlo.

Ang isang poise na ginawa lang naman nila ay jump shot. Halos madulas-dulas silang mag-ama, paano ba naman kasi nasa seventy anyos na si Don Vecenti habang siya ay pagkataas-taas na heels ang suot-suot niya na ipinares niya sa long royal blue gown niya. Hapit na hapit iyon sa katawan niya at sariling design lang naman niya iyon. sleeveless na backless at kita pa ang hati ng dibdib niya.  

Halos mamatay-matay sa kakatawa ang tatlo habang pinapasadaan nila ang kuha nila ng Daddy ng dalaga.

"Tama na iyan iha, naghihintay na ang mga bisita sa ibaba,"paalala ni Don Vecenti habang nakahawak sa baston nito.

"Ahy! sarrey naman Daddy! andiyan pa po pala kayo. Busy lang po kasi ako sa pagtingin sa mga kuha natin, excited na akong i-upload ito sa Instagram ko!"nagtitiling saad nito.

"Okay, later iha sa ngayon ay uumpisahan na natin ang programme at kanina ka pa hinahanap ng mga tao sa ibaba,"ani nito.

"Sige po, thanks Dad for this graduation party na inihanda mo sa pagdating ko,"puno ng pagmamahal na sabi ni Beatrice sa ama at mahigpit lamang yumakap rito.

Nagyakapan na rin naman sina Penelope at Farah na tila inggit na inggit sa momentum ng mag-ama.

"Daddy at Bii! baba na tayo bago tayo mag-iyakan na apat rito!"agaw-pansin ni Penelope.

Nagmake face naman si Beatrice, idinampi-dampi niya ang hawak na panyolito dahil sa pangingilid ng luha niya sa magkabilang mata niya.

Agad ng ikinawit ni Beatrice ang kamay niya sa braso ng Daddy niya. Habang ang dalawang kaibigan niya ay nakasunod sa kanila.

Mafia Boss Trapped (Completed)Where stories live. Discover now