CHAPTER NINETEEN

57 2 0
                                    

 KASALUKUYAN siyang nagsusuot ng maluwang na t-shirt ng makarinig si Beatrice ng pagbukas at pagsarado ng pinto. Agad siyang nagtatakbo palabas mula sa kanyang silid.

Gusto niyang mapatunayan kung tama siya ng hinuha at hindi nga siya nagkamali. Ilang dipa ang layo niya mula sa binata na kasalukuyan nagbukas ng fridge.

Hindi na siya nagdalawang-isip na nagtatakbo palapit at yakapin ito mula sa likuran.

"I knew it! Ikaw nga Rudny! Alam kong hindi mo ako matitiis,"puno ng kasiyahan na anas ni Beatrice sa napapiksing lalaki.

"Ano ka ba naman Bek-Bek, kita mong kukuha ako ng malamig na tubig, lumayo ka nga! baka ibuhos ko sa'yo ito!"banta ni Rudny. Pinilit nitong inilalayo ang babae ngunit sadiyang mahigpit ang pagkakalingkis nito na parang sa sawa.

"Ayuko nga! baka iwan mo na naman ako bigla! sobra kaya kitang namiss!"

"Pwes! Ako hindi kita namiss! andami kayang babae sa pinuntahan ko,"dire-diretso niyang sabi.

"K-kita mo 'tu, ang sama-sama mo lagi sa akin!"nagmamaktol na saad ni Beatrice ng tuluyan siyang mailayo ni Rudny sa katawan nito. Mabilis itong nag-iwas ng tingin nang masalamin niya sa mata ng babae ang pagdaramdam. He clinched his teeth, ewan ba niya maging siya ay nakakaramdam ng kakaiba kapag ganito na nasasaktan niya ang kalooban nito. But he have to do it. Ayaw niyang mas lumalala ang pagkabaliw nito sa kanya.

With the help of Seth ay matatapos din ng tuluyan ang pinuproblema niya patungkol kay Beatrice.

"Pwedi ba umayos ka, ikaw na nga itong nakikitira ang dami mo pang alam. Ang mabuti pa'y matulog ka na at maaga ka pang papasok bukas!"

Buhat sa sinabi ni Rudny ay tila nagpanting ang magkabilang teynga ni Beatrice.

"Ganoon na pala tingin mo sa akin, a-akala ko bukal sa loob mo ang pagpapatira mo sa akin dito. Iyon pala may nasasabi ka na! Oo na aalis na ako! Diyan ka na nga! Sana hindi ka dalawin sa paniginip ni shrek!"sigaw ni Beatrice na tuluyan nag-walk out. Matapos makapasok sa loob ng silid nito ay kita pa ni Rundy ang nakasimangot ngunit maganda pa rin mukha ng babae mula sa direksyon niya. Bumelat pa ito bago nito isinara ng malakas ang pinto.

"G*go ka! bawiin mong sinabi mo hoy!"balik-sigaw ni Rudny na naglakad at panay ang ginawa niyang pagkakatok sa pinto ng babae.

"Bahala ka sa buhay mo, nakakatawa ka naman... isang Rudny Aragon takot sa isang disney character na si Shrek"Nagtatawang kantiyaw ni Beatrice mula sa loob.

"Hey! stop it! Just open this door kung ayaw mong gibain ko tu!"gigil na banta niya rito. Bigla siyang napapitlag ng may nagdoor bell.

"Holy sh*t!"mura ni Rudny.

Tuluyan siyang naglakad at binuksan ang pinto, nakita niyang si Rodjun iyon na may ngisi sa labi.

"Anong ginagawa mo rito?"tanong ni Rudny na magkasalubong pa ang kilay.

"Kakausapin ko sana si ate na hindi ko siya maihahatid bukas dahil may maaga kaming flight ng mga ka-department ko. Ngayon narito ka naman ikaw ng maghatid sa kanya at sumundo na rin pauwi,"bilin ni Rodjun na tinapik-tapik pa ang balikat nito.

"Pero..."

Bigla naman ang paglapit ni Beatrice sa kanila.

"Huwag kang mag-alala Rodjun  dahil meron naman si Seth na maghahatid-sundo sa akin. Kaya ikaw Rudny na takot sa Shrek ay thank you na lang,"mataray niyang sabi.

"Bakit sinabi ko bang gusto kitang ihatid. Masiyado kang assumera."Saka ito naglakad palayo sa kanila at malakas na isinara ang pinto.

"Problema niyon?"nagtatakang-tanong ni Rodjun na natatawa.

Mafia Boss Trapped (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora