CHAPTER FOURTEEN

63 1 1
                                    

 PASADO alas dos na ng madaling-araw sila nakarating sa condominium. Napili ni Rudny na sa bagong unit sa Roxas muna niya patuluyin ang dalaga. Habang hinihintay niyang makapag-decide ito kung anong magiging plano nito. Ayaw niyang pangunahan ang babae dahil wala naman siyang karapatan kung iyon ang pagbabatayan.

Nagising si Rudny sa maliwanag na sikat ng araw na nagmumula sa bintana na nabuksan ang blind curtain.

"Bea... a-anong ginagawa mo?"iritang usal ni Rudny na napaungol pa dahil sa naramdaman na bigat ng ulo.

Unti-unti na siyang bumangon habang nakapikit pa ang mata at sapo-sapo pa rin niya ang noo. Hindi niya gustong may umiisturbo ng tulog niya. Kaya nga walang sino man ang maaring pumasok sa silid niya sa mansyon. Maging ang ama at kapatid ay counted sa mga restrictions na ipinapatupad niya.

"C'mon Rudny it's past nine 'o clock in the morning na, late na para mag-almusal. Kaya bangon na,"nasabi ni Beatrice na naupo sa may tabi ng kama kung saan nakaupo pa rin si Rudny.

"Ang aga-aga pa pala pero heto ko ka, iniisturbo mo ang pamamahinga ko. Alam mo bang hindi ako nag-aalmusal, please Bea be mindful. Hindi iyong nakasanayan mo ay dinadala mo pa rito,"pabalang na sabi ng binata. Ganitong nasira ang tulog niya ay sadiyang umiinit ang ulo niya.

"S-sorry Ruru, h-hindi ko naman alam. S-sige lalabas na ako. K-kapag nagutom ka, i-incase lang na gusto mong kumain... nasa lamesa ang inihanda kong almusal. Huwag mo na akong alalahanin dahil kanina pa ako tapos."Tumayo na ito at naglakad papunta sa pinto upang lumabas sana. Nang madinig niya ang muling pagtawag ng pangalan niya ni Rudny.

"Ano iyon may kailangan ka?"tanong ni Beatrice.

Tinitigan naman siya nito at pinagmasdan mula ulo hanggang paa. She felt uncomfortable the way Rudny stare her.

Kung kanina ay papikit-pikit pa lang ito dahil sa kagigising niya ngayon ay halos nagising na ng tuluyan ang katauhan niya.

"B-bakit suot mo iyan?"tukoy ni Rudny sa suot lang naman na puting t-shirt niya ng dalaga. Bigla niyang iniiwas ang pagkakatitig sa harapan ng dibdib ng babae dahil aninag na aninag niya ang utong lang naman nito. Dahil doon ay literal na tinigasan na siya sa ilalim. Mabuti na lang at tinatakpan ng makapal na blanket iyon. Lalo pa at tanging boxer lang ang suot niya, he tried to control his groan for himself. 

"Nagpawis kasi ako kanina matapos kong magluto at magvaccum sa sala. Saka nagpunas-punas na rin ako,"wika ni Beatrice. Wala itong kaalam-alam sa mga nangyayari sa binata ng mga sandaling iyon. Ipinagpapasalamat naman iyon ni Rudny dahil tiyak niyang tutuksuhin na naman siya ng babae.

"G-ganoon ba, hindi mo naman kailangan gawin iyon dahil may pinapapunta akong maglilinis dito. Bisita kita Bea, sige na lumabas ka muna,"taboy ng binata. Pasimple niyang isinilid ang palad at hinimas ang tigas na tigas na niyang t*t*.

"Bakit a-anong gagawin mo, tara na initin ko  na ang food mo para makakain ka. Huwag kang mag-alala masarap akong magluto."

"I'll taking shower, kaya sige na labas na!"madiin niyang utos.

Kita ng binata ang pag-pout at pagdadabog ni Beatrice. Upang lalong umalog ang dalawang bundok nito. Matapos na makalabas nito ay halos ibaon ni Rudny ang mukha sa kama at sunod-sunod na pinakawalan ang mararahas na ungol.

KASALUKUYAN siyang nasa hideout ng mga sandaling iyon. Habang nakaupo at nakataas lang naman ang paa niya sa ibabaw ng lamesa nang pumasok si Lawrence, Novice at si Rodjun.

"Kumusta bro, siya nga pala salamat at pinatuloy mo si Beatrice sa condominium mo,"umpisa ni Novice na agad naupo sa leather sofa na nasa harap ng lamesa ni Rudny.

Mafia Boss Trapped (Completed)Where stories live. Discover now