CHAPTER THIRTY NINE

281 3 5
                                    

BALIK sa dating gawi si Rudny pagkatapos ng recovery niya ilang Buwan pa lamang ang nakalilipas. Ang trabaho na pangongolekta  niya ng buwis sa mga dupe nila ay siya na rin ang gumagawa. Kahit na meron naman gagawa niyon.

Siya na ulit ang nagma-manage ng business nila, lagi niyang binibisita ang kanilang casino. Walang mintis iyon, maging ang Heaven's Peek Night club nila'y napapadalas din ang pagpunta niya. Iba't ibang babae rin ang kasa-kasama niya sa gabi-gabing naglalasing siya roon. Sa lumipas na buwan kapag hindi niya nakakayanan makapag-drive pauwi ang nakakabatang-kapatid niyang si Rodjun ang sumusundo sa kanya at inuuwi siya sa mansyon. Katulad na lang ng araw din na iyon.

"Kuya Rudny, lasing ka na naman," may himig paninita ang tinig ni Rodjun ng mga sandaling iyon.

"Ano ba! kung nagsasawa ka ng sunduin ako. Makakaalis ka na, ako ng bahalang umuwing mag-isa!"banas na saad ni Rudny na sumandig na sa gilid ng kotse niya at panay ang pagkalampag sa ibabaw niyon.

"Si Kuya naman... matitiis ba naman kita. Sige na pasok ka na at ng makabalik na rin ako sa pagtulog."Kakamot-kamot ang ulo na sabi ni Rodjun.

Alas-tres na kasi ng madaling-araw iyon.

Tuluyan naman sumunod si Rudny at tahimik na naupo sa katabing upuan ng magda-drive na si Rodjun.

Nangangalahati na rin sa pagmamaneho si Rodjun ng muli niyang balingan si Rudny na mukhang nakatulog na sa sobrang kalasingan.

Sa totoo lang ay naawa siya rito, saksi rin siya sa mga pinagdadaanan nito ukol sa kinahinatnan ng relasyon ng kapatid niya kay Beatrice.

Pero hindi niya magagawang ipakita iyon rito, dahil lalo lamang itong masasaktan. Kahit paano ay kilala niya ang kapatid, hindi nito magugustuhan kapag binibigyan ito ng awa. Mas gusto nitong saloobin na lamang iyon at ginagalang niya iyon. Pero kung darating ang oras na mangangailangan ito ng kausap, willing siyang makinig at magpayo na rin.

Makalipas ang trenta minuto na biyahe ay nakarating din sila sa mansyon. Mabuti na lang at madaling-araw na, walang traffic. Dahil kung hindi ay aabutin sila ng umaga sa daan kapag nagkataon.

Tuluyan na siyang lumabas ng kotse at agad na umikot sa kabilang side ng kotse kung saan naka-upo si Rudny na tulog na tulog pa rin.

Akmang bubuksan ni Rodjun iyon ng bigla niyang maramdaman ang pag-vibrate ng smart phone niya sa may bulsa ng suot niyang short.

"Hello,"sagot niya.

"H-hai Rod, kumusta na?"pamilyar na tinig ang narinig ni Rojun. Inalis niya sa may teynga ang hawak-hawak at tinignan kung sino ang tumatawag sa kanya. Ngunit landline number iyon, kaya muli niyang iniipit sa teynga niya iyon at balikat.

Binuksan na niya ang pinto kasabay ng pakikipag-usap niya sa unknown caller.

"Sino ito?"patuloy niya. Inalis na niya ang pagkakaseat-belt ni Rudny. Inalalayan na rin niya ito pababa.

"Si ate Beatrice mo 'tu," pagpapakilala niya. Dahil doon ay saglit na natigilan si Rodjun at pinagmasdan si Rudny.

"Oh, k-kumusta na?"hindi mapigilan ni Rodjun na mabahiran ng sarcasm ang boses niya. Paano ba naman,ito ang babaeng kausap niya kung bakit nagkakaganito ang kapatid niya.

"Pasensya ka na kung napatawag ako sa ganitong oras, g-gusto ko lang sanang kumustahin a-ang—si Rudny."

Iyon ang nadinig niyang sinabi ni Beatrice. Halos gustong magpanting ang teynga niya. Tuluyan na niyang ipinasok sa sariling silid nito si Rudny. Saka niya muling kinausap mula sa hawak niyang smart phone.

Mafia Boss Trapped (Completed)Where stories live. Discover now