CHAPTER THIRTY TWO

54 2 2
                                    

HINDI na matandaan ni Rudny kung naka-ilang bote na siya ng beer kanina. Madilim na ng tuluyan siyang lumabas sa pinasukan na restaurant bar, bit-bit ang huling bote ng beer na may laman pa.

Kahit paano ay kaya pa niyang humakbang. Iyon nga lang parehas ng kaliwa ang paa niyang maglakad.

Dire-diretso lang siyang nglalakad, walang pakialam sa mga taong nadadaanan niya. Kahit nanlalabo na ang mata niya ay malinaw niyang naaaninag ang masasayang mukha ng mga ito.

Habang siya? Tila hindi man lang makapa sa kaloob-looban niya ang pakiramdam na iyon.

Na dapat nagsasaya siya, paano ba niya gagawin iyon. Kung may isang babae siyang nasasaktan.

Sa kalalakad niya ng walang direksyon ay muli siyang nakarating sa tabing-dagat. Katulad kagabi ay meron Buwan na tumatanglaw sa madilim na langit.

Dahil sa pagod na siya sa kalalakad ay tuluyan na siyang napasalampak mula sa puting buhangin. Dinig niya ang paggalawan ng mga dahon ng Niyog sa paligid niya. Ang maalat-alat na tubig-dagat na nangingibabaw sa pang-amoy niya kahit lango na siya sa iniinom.

Itinaas na niya at ipinatak na niya sa bibig ang huling patak ng beer na nasa bote. Tuluyan niyang ibinato iyon sa harapan niya.

Napakurap siya ng mula sa dagat ay may umahon na babae, papunta sa kanyang direksyon. Ikinurap-kurap niya ang mata upang masiguro na tama ang nakikita niya.  Mukhang malakas na talaga ang tama niya dahil kung ano-ano na ang nakikita niya.

Akma siyang tatayo paalis ng maramdaman niya ang mahigpit na paghawak nito sa braso niya.

"Where do you think your going huh?"wika nito sa kanya.

"You?!"sa nanlalabong mata ay nakikilala rin naman niya ito pagkatapos.

"Yes it's me, alam na alam mo talaga kong anong oras ako nagpupunta rito para maligo,"malambing na saad ng dalaga na idinikit pa nito ang dibdib sa braso niya. Kaya upang mapapitlag si Rudny.

"H-hey! off limits! huwag ka ngang dumidikit B-Bea!"pagpapataboy niya rito.

"Hay! naku! bibig mo lang tumatanggi pero katawan mo naapektuhan!"Taas-kilay na sabi ni Beatrice na hindi nagpatinag sa pagtataboy ng binata.

Kumunot ang noo ni Rudny ng iniguso pa ni Beatrice ang namumukol niyang pagkalalaki sa summer short na suot-suot niya.

Iniiwas niya ang mukhang mas pinapula pa nito dahil sa pagiging direkta nito.

"S-shut up!"asik ni Rudny.

"Heee! Shut up ka diyan! halikan kaya kita diyan eh!"Tatawa-tawang sabi ng dalaga.

"Bumalik ka na nga kay Seth, dapat hindi ka nagpupuntang mag-isa rito. L-lalo at ganiyan ang suot mo,"hindi kumportableng saad ni Rudny na pasimpleng pinasadaan ang suot na orange na one piece swimsuit ng dalaga. Bakat na bakat ang mayayaman dibdib nito.

Naiinis siya sa sarili at the same time ay sobra-sobrang siyang naapektuhan sa kasexy'han ni Beatrice. Hindi niya tuloy maiwasan na lalong tigasan.

"T*ng in*! p*tang *na!"Panay pagmumura lang ang ginagawa niya mula sa isip.

"Obvious ba iyon naman ang gagawin ko, kaso nakita kita rito. Alangan na hindi man lang kita pansinin baka magtampo ka."

"Nah! assuming ka pakialam ko ba sa'yo!"Hindi maiwasan ni Rudny na pagtaasan ng boses ang babae na nag sad face pa.

"Sus! selos ka lang eh, ang mabuti pa'y ihatid mo na ako."Tuluyan kumawit ang kamay ng babae sa braso niyang hindi na nakapalag ng hilahin na siya nito upang maglakad.

Mafia Boss Trapped (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя