CHAPTER TWENTY SIX

62 2 1
                                    

LUMIPAS ang ilang Buwan na naging okay naman ang pagsasama nila ng patago. Dahil para sa dalaga hangga't hindi nalalantad sa lahat ang relasyon nila ay mananatiling ligaw na relasyon ang meron sila ni Rudny.

Kasalukuyan siyang may inaayos na document na ipapasa sa boss niyang si Seth ng mapansin niya ang pagdating ni Duke Amaroso. Lately napapansin niyang napapadalas ang pagpupunta nito roon. Dati-rati'y isang beses sa isang Buwan ito napapasiyal, sa ngayon ay halos apat na beses niya itong nakikitang pasulpot-sulpot.

"Goodmorning Sir Amoroso, may kailangan kayo?"tanong ni Beatrice na may pagbibigay-galang sa matandang lalaki.

Agad nangiti ito pagkarinig sa sinabi niya. Para sa dalaga ay dito nagmana si Seth, istriktong tignan ngunit magaan ang aura.

"Yes iha, nariyan ba sa loob ang anak ko?"magiliw nitong tanong.

"Naku! thirty minutes na po siyang nakaalis. May meeting po siya sa isang investor sa Makati,"tugon ni Beatrice matapos niyang ma-i-check ang schedule ng boss niya.

"Ganoon ba,"mataman naman nag-isip ang matandang lalaki.

Naisip ni Bea na malayo ang ibinyahe nito kaya isang ideya ang sumagi sa kanya.

"Kung gusto niyo Sir, maari naman kayong maghintay sa loob. Maybe after fifteen minutes ay narito ng muli si boss,"wika niya.

"That's nice to hear, sige."Tila tuwang-tuwa naman ito sa sinabi ng dalaga.

Sinamahan na nga niyang pumasok ang matandang lalaki, kasunod nito ang lalaking sekretarya na laging nakasunod dito. Hindi man sila nag-uusap ng kapuwa ay masasabi ng dalaga na mabuting tao rin ito.

"Iha, maari mo ba kaming dalhan ng tsaa,"utos ni Duke.

"Sige po sandali lang ho,"pagpapaalam niya. Tuluyan na nga siyang lumabas at nagpunta sa mini kitchen na nasa gilid ng office ng boss niya. Agad na niyang nilagyan ng mainit na tubig ang dalawang mug sa water despencer. Inilagay na niya ang dalawang tea bag pagkatapos. Dahan-dahan na niyang binuhat ang tray at dinala iyon. Naglagay din siya ng mga biscuit.

"Salamat dito iha,"wika ni Duke.

Tumango lang naman si Beatrice at akma siyang maglalakad mang muli  siyang tinawag ng lalaki.

"Maalala ko iha, kumusta na pala ang panliligaw ng anak ko sa'yo?"nakangiting tanong nito.

"P-po?"bigla naman nakaramdam ng dis-comfort si Beatrice sa binuksan paksa  ng matandang lalaki kaya upang hindi agad nakapag-salita ito.

"Bakit iha?"may pagtatakang tanong ni Duke.

"K-kasi po—"Ngunit hindi na naituloy ni Beatrice ang pagsasabi rito ng pumasok sa loob si Seth.

"Dad, why you here?"tanong nito na agad naupo sa swivel chair nito. Halata sa itsura nito ang pagkahapo.

"Pumasiyal lang naman ako, nangangamusta,"sagot nito.

"Oh, mukhang napapadalas yata,"bulong ni Seth.

"Bakit iho masama bang magpunta rito. Saka tinatanong ko si Miss De Guzman kung kumusta na ang panliligaw mo."

Bigla naman iniwas ni Seth ang mukha, sa tinagal-tagal magmula ng araw na binusted niya ito ay hindi nila iyon pinag-uusapan.

"Dad, just stop asking that starting today. Mas may magandang pweding mapag-uusapan bukod diyan. Saka, napag-desisyunan namin na we better na maging magkaibigan lang kami ni Miss De Guzman,"eksplinasyon nito.

Mafia Boss Trapped (Completed)Where stories live. Discover now