CHAPTER THIRTY FIVE

63 2 1
                                    

HINDI kaagad nakaimik si Ricardo matapos na magsalaysay ng anak niyang si Rudny.

"So ang sinasabi mo n-na ang matalik kong kaibigan ang pasimuno sa pangkikidnap kay Beatrice?"hindi makapaniwalang sabi nito.

Hindi umimik si Rudny, ngunit ang reaksiyon sa mukha nito ang nagpapatunay na nakuha niya ang nais nitong sabihin.

"Your unbelievable Rud! a-anong motibo niya. W-Wala... kaya tigilan mo kung ano man ang tumatakbo sa utak mo!"Napasigaw na ang matandang lalaki habang naiiling. Hindi siya makapaniwala sa nasabi ng anak.

"But Dad, it's true! bakit ba ang hirap niyong paniwalaan ang mga sinasabi ko. Please! Bea needs our help,"pagsusumamo ni Rudny.

"Magtigil ka, dahil sa babaeng iyan ay kung ano-ano na ang pumapasok sa isip mo. Bumalik kana sa kwarto mo!"utos ni Ricardo.

Bagsak naman ang balikat ni Rudny na tumayo sa kinauupuan nito at naglakad palabas. Naiwan naman doon si Ricardo na iniisip pa rin ang sinabi ng binata.

Muli niyang pinasadaan ng tingin ang puting panyo, maya-maya ay may tinawagan ito.

Tuluyan na siyang naupo habang patuloy pa rin siya sa kakaisip sa mapag-usapan nila ni Rudny. Ilang minuto rin siyang ganoon, hanggang sa hindi na niya namamalayan na nagbabalik-tanaw na siya sa nakaraan...

NAKANGITING sinalubong si Ricardo ni Olivia sa may sala ng kanilang mansyon, habang katabi naman nito si Rudny na labing-apat na taong gulang pa lamang noon.

Katulad ng mga ordinaryong pamilya rin naman sila. Kapag magkakasama ay nagkakaingayan.

"Mabuti naman at nakauwi ka rin sa wakas!"si Olivia na pinagkukuha na sa kamay ng esposo ang mga pasalubong nito sa kanila mula sa Las Vegas.

"Naku! isang linggo lang akong nawala ay miss na miss mo na ako!"Sabay sundot nito sa tagiliran ng babae.

"Cardo! magtigil ka nga! alam mong malakas ang kiliti ko riyan!"panunuway ni Olivia na umiiling at nangingiti.

Habang si Rudny naman ay masaya lang naman nakatitig sa ka-sweetan ng parents niya.

"Teka, sandali at kukunin ko lang iyong binili kong blender,"wika nito.

"Wow! thank you so much for this honey. Pero sana hindi ka na nag-abala, okay pa naman iyong ginagamit ko sa may kusina eh,"tukoy nito sa lumang appliances na ipinamana pa ng namayapa nitong ina. Mahilig din kasi sa pangungusina ang mother niya, magkagayunman kahit luma na' y maayos pa rin niyang napapa-andar iyon. Saka may sentimental value iyon kay Olivia.

"Honey ano ka ba, alam mo naman kayang-kaya kong ibigay ang lahat ng karangyaan nararapat sa inyo ng anak natin na si Rudny. Kaya hayaan mo na ako, maano naman kung pagbibilhan kita ng kung ano-ano. Obligasyon kong ibigay sa'yo lahat ng makakapagpasaya sa'yo. Nagtra-trabaho ako para maibigay ko ang luhong nararapat sa inyong mag-ina ko,"mahabang eksplinasyon ni Ricardo na hinalikan pa sa noo ang asawa.

Napakasaya niya noon na kahit napakadaming umaaligid na nanliligaw kay Olivia ay siya pa rin ang pinili nito. Kahit na malaki rin ang dis-gusto sa kanya ni Don Olivier; ama nito. Ipinaglaban nito ang pag-iibigan nila. Hanggang sa wala na ngang magawa ang Don ng magbuntis ito kay Rudny, kaya upang tuluyan ng ibigay nito sa kanya ang bas-bas para kuhanin ang kamay ni Olivia.

Ngunit wala pang isang taon na mag-asawa sila nito'y inatake sa puso ang matandang lalaki na siyang ikinamatay nito kalaunan. Na siyang naging dahilan upang magkasakit naman ang ina ni Olivia na si Slyvia. Unti-unti ay nalugi ang nag-iisang kumpaniya ng mga ito at tuluyan na ibenenta iyon matapos na mamatay ang ina nito.

Mafia Boss Trapped (Completed)Where stories live. Discover now