CHAPTER THIRTY SEVEN

70 2 4
                                    

BIGLA ang ginawang pagmulat ni Rudny ng mga sandaling iyon. Pinakiramdaman niya ang sariling katawan.

"Naalala kong binaril ako sa dibdib,"bulong sa sarili lamang ng binata. Tuluyan kumapa ang sariling palad niya roon, ngunit kataka-taka na wala naman siyang maramdaman na kung ano.

"I-I'm still alive?"muling pagtatanong niya sa sarili. Nag-umpisa na siyang luminga sa kapaligiran niya.

Unang tumambad sa kanyang paningin ay ang luntian na kapaligiran na napapalibutan din ng iba't ibang klase ng mga bulaklak. Hindi na niya pinagtuunan ng pansin iyon, dahil naging abala na siya sa palinga-linga. Sa kinauupuan niyang damo kitang-kita niya na mataas na ang sikat ng araw. Kita niya ang bughaw na kalangitan, walang ulap na nakakalat sa langit.

Kakaiba sa pakiramdam ng binata ay magaan lamang ang dapyo ng sinag ng araw sa kanyang balat.

"Where I am?"patuloy na pagtatanong ni Rudny sa kanyang sarili. Nag-umpisa na siyang tumayo mula sa pagkakasalampak. Pinagpag niya  ang pang-upo ng puting pang-ibaba na kanyang suot-suot.

Tuluyan nagsalubong ang makakapal nitong kilay.

"T-teka... h-hindi naman ganito ang suot ko kanina,"kinabahan na sabi ng binata. Mabilis niyang tinignan din ang suot niyang pang-itaas, kasabay ng panlalaki ng mata niya ay napagtanto niya rin na puting shirt din iyon.

"Shit! nasaan ba ako!"Halos gustong sabunutan ni Rudny ang buhok dahil sa pagkataranta. Napapalunok na lang siya ng laway dahil pakiramdam niya ay parang nanuyo iyon.

Mabilis na siyang naglakad gamit ang paa niyang walang sapin. Ramdam niya ang madamong tinatapakan sa bawat hakbang niya.

"Hey! is anyone here!"Hindi na mapigilan pagtawag ni Rudny.

Napabuntong-hininga siya dahil nakailang beses din siyang nagsisigaw na parang baliw sa lugar na hindi naman niya alam kung totoo ba.

Tuluyan siyang nahinto sa paglalakad at tumingala sa langit.

"I-ikaw! alam kong nakikita at naririnig mo ako. P-patay na ba a-ako?"nanginig ang boses niya habang nakikipag-usap sa Nilalang na lumikha ng lahat. Walang sagot mula rito.

Kaya upang muli siyang maglakad, ngunit sa sandaling iyon ay nakayuko na lamang siya. Hindi na niya mabilang kung gaano na siya katagal sa ginagawa. Pakiramdam niya ay hindi naman siya nakakaramdam ng pagod sa mga oras na iyon. Pansin niya rin na tila hindi naman umiiba ang panahon, para pa nga bang nanatili sa posisyon nito ang araw.

Hanggang sa hindi na napigilan ni Rudny ang sarili, bigla na lamang siyang napasalampak sa mabulaklak na parang. Pinaghahawakan niya ang bawat daliri niya ng mga sandaling iyon habang pinagmamasdan niya ang maliwanag na kapaligiran niya.

"B-Bea... Beatrice! Tulungan mo ako! Bea!!!"Pumailanlang sa buong paligid ang sigaw niya ng mga oras na iyon. Kitang-kita ang takot na namamahay sa mata ng binata.

IMINULAT ni Beatrice ang mata, kita niya ang pagpasok ni Doc Chavez at Don Vicenti sa private room niya sa hospital na iyon kung saan siya itinakbo matapos na mawalan siya ng malay pagkatapos niyang masaksihan ang nangyari kay Rudny.

"May nararamdaman ka pa bang hindi maganda iha?"tanong ng Doctor matapos na pakinggan nito ang heartbeat niya ng mga sandaling iyon gamit ang stethoscope.

"W-wala na po,"sagot niya.

"Good, bukas na bukas ay maari ka ng lumabas. Sige na kumpare at kailangan ko pang mag-rounds, kung may kakailanganin kayo just call some  nurse staff in the station okay,"bilin pa nito.

Mafia Boss Trapped (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora