PROLOGUE

416 4 0
                                    

MABILIS na tinakbo ng isang binatilyo na humihigit kinse anyos ang kahabaan ng Ramos road.

Dinig niya ang malakas na ugong ng sirena mula sa 'di kalayuan. Kaya mas binilisan niya ang pagtakbo. Tuluyan na siyang lumusot sa mga makikipot na eskinita na kanyang nadadaanan.

Hindi alintana ng binatilyo ang pawis na namuo sa noo niya na tumagaktak pababa hanggang sa  mukha nito.

Amoy na amoy niya ang pinaghalong lansa at masasangsang na amoy galing sa mga estero. Katanghalian tapat, kaya walang katao-tao.

Napalunok siya ng laway, mula sa dulong bahagi ng labasan ay tumigil ang isang police patrol  motor. Kaya upang matigilan siya.

"Shit! mga epal!"inis na anas ng binatilyo.

Mabilis itong pumihit patalikod at kumaripas ng takbo, muli ay dinig na naman nito ang paparating na police patrol sa may 'di kalayuan.

Kahit pagod na pagod na ay hindi siya tumigil sa matulin na pagtakbo.

Hanggang sa nakakita siya ng isang bukas na bintana sa isang abandunadong gusali. Tuluyan siyang lumusot doon, sumalampak siya sa malamig na semento pagkatapos.

Napangisi siya ng madinig niya ang paglagpas ng nakawangwang na police patrol mula sa labas ng  tinataguan niyang lugar.

Unti-unti siyang napatayo ar napasilip sa bintana. Agad niyang pinagpag ang likurang bahagi ng suot niyang maong pants. Mabilis niyang inilinga ang pansin sa buong paligid.

Bagama't madilim ay nakatitiyak siyang isang abandunadong basement ng isang lumang gusali ang kanyang kinaroroonan. Base na rin sa mga sapot at nangangalawang na gamit na naroon. Maging ang amoy ng alikabok sa paligud ay langhap ng binatilyo.

Ang balak niyang pag-alis ay biglang natigil. Nang makarinig siya ng mga taong nag-uusap.

"Ano pare, sigurado ka bang makikipagkita iyang tatay niyan?Baka naman baratin tayo niyon,"sagot ni Pedro na patuloy pa rin sa pagtatali ng paa at kamay ng lubid sa batang babae na umeedad ng sampu.

May busal ng tela na nakapasak sa bibig nito, habang may piring ito sa mga mata. Kahit malayo ang kinaroroonan ng binatilyo ay rinig nito ang mahihinang ungol at impit nitong pag-iyak.

"Oo naman hindi mo naitatanong milyonaro iyon. Saka magbibigay iyon, dahil paborito niyang anak itong nadangwit natin."eksplika naman ni Simon na  kasama ni Pedro sa hostage operation na iyon.

Nagtratrabaho sa isang kilalang minahan ang dalawa, naalis ang mga ito. Dahil nahuli ang mga itong kumukupit ng mga ginto na pagmamay-ari mismo ng ama ng batang babae na kinidnap ng mga ito.

"Bilisan mo diyan, kapag naitali mo na iyan nang maayos ay bantayan mo ang pinto,"bilin ni Simon.

Matapos na maisaayos ni Pedro ang mga tali sa paa at kamay ng batang babae ay naglakad na ito paalis.

Nang maisigurado ng binatilyo na  tahimik na ang lugar ay nagmadali na siyang lumapit sa bata.

Tila naman nagitla ito sa presensiya ng binatilyo pagkakita sa kanya. Kaya upang lalong umingay ang pag-ungol ng batang babaeng hostage.

"Shhh! can you be quiet for a while. Don't worry I'll help you, "anas nito.

Agad niyang kinuha sa gilid ng sapatos niya ang maliit na kitchen knife na laging dala-dala niya.

Kahit isang dangkal lamang ang haba nito ay napakatalas niyon. Matapos niyang malagot ang pagkakatali ng mga lubid ay isinunod naman ng binatilyo na inalis ang telang nakapasak sa bibig at ang piring ng batang babae.

Mafia Boss Trapped (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora