CHAPTER THIRTY ONE

60 2 0
                                    

MABILIS na pumasok sa loob ng sariling silid niya sa cottage na kinuha ni Seth sa out of town nilang iyon. Bali dalawang silid meron ang inupahan ng binata para sa dalawang gabi ng pag-e-stay nila roon ng anak nitong si Xeena.

Agad niyang idinantay ang buong mukha at katawan sa kama. Lalong bumuhos ang luha niya sa kanyang mga mata, pakiramdam niya ay napaka-unfair sa kanya ng mundo.

"Bakit Rudny! bakit mo ito ginagawa. Sobrang sakit ng ginawa mong pagpapaasa sa akin!"naghihinakit niyang sambit habang nag-iiyak pa rin siya.

Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa naging pagtatapos ng pag-uusap nila ng binata. Halos wala siya sa sarili kanina, nakalimutan pa niyang kasama niya sina Seth at ang anak nito ng mga sandaling makita niyang magkasama si Rudny at Camilla.

She felt betrayed that time, dahil ang inaakala niya ay may inaasikaso itong mahalagang bagay. Pero malalaman niya na kasama ni Rudny ang step-sister niyang kinasusuklaman niya sa lahat!

Pwes! lalong nadagdagan ang galit na nararamdaman niya para rito.

Sa tagpong iyon ay nakarinig si Beatrice ng magkasunod na katok, mabilis niyang pinalis ang luha at tuluyan pinapasok kung sino man ang nasa labas ng silid.

"Hai Mommy! bakit ka po umiiyak? Sino po ang nag-paiyak sa'yo? Susumbong natin kay Daddy para ma-punish niya!"inosenti nitong sambit habang pinupunasan ang humahalugpos pa rin na butil ng luha niya sa pisngi.

Kandaiyak at tawa siya tuloy sa sinabi nito.

"Naku! huwag mo na akong alalahanin. Lilipas din ito,"nasabi ni Beatrice. But she doubt that, paano ba mawawala sa sistema niya ang isa sa pinakasakit na katotohanan hindi siya minahal ng lalaking pinaglaanan niya ng pagmamahal.

"No! hindi kami papayag ni Daddy na may manakit sa Mommy ko!"patuloy nito.

Hindi na siya nagsalita at niyakap na lang ang bata.

"Sshhhh... we're not her to ruin your out of town birthday celebration okay?"wika ni Beatrice habang masuyo niyang yakap-yakap ang manipis na katawan ng bata na tumugon na rin sa yakap niya.

Kahit paano ay naiibsan niyon ang pagdadalamhati ng puso niya.

Sa tagpong iyon naman sila naratnan ni Seth may kasiyahan siyang nadama sa nakitang pagyayakapan ng dalawang importanteng babae sa buhay niya. Ngunit naroon pa rin ang lungkot dahil kahit anong gawin niyang pambubugbog kay Rudny ay hindi mawawala sa sistema ni Beatrice ang sakit na idinulot ng panggagago ng lalaking minamahal nito.

SA lumipas na dalawang araw ay walang ginawa ang mag-ama kung 'di aliwin siya.

"Tara na Bea, see nauna ng lumabas si Xeena sa labas,"wika ni Seth na nakasuot na ng swimming trunks. Kung ibang babae lang siya ay mag-iinit at maglalaway na siya sa nakikitang matikas na pangangatawan ng lalaki. Dagdag mo pa ang eight pack abs nitong sarap pagmasdan.

Ang buhok nito na hanggang balikat ay itinali na nito. He plastered to his handsome face ang pamatay nitong ngiti. Kung magtatabi si Rudny at ito'y 'di hamak na mas ma itsura si Seth. Kahit nakakalamang ng edad ay hindi iyon nakabawas sa karismang taglay meron ito.

But as usual, hindi naman niya mapipilit ang puso niya. Dahil kahit ang pinakaguwapong lalaki ang ibigay pa sa kanya. Tanging kay Rudny lang yata siya bibigay at bubuka.

Mariin niyang pinalis ang tumatakbo sa isip niya.

"Okay fine, sige na sundan mo na iyong bata susunod na ako. Magbibihis lang ako,"tugon niya.

"Alright! just take your time."Kasunod niyon ay tuluyan na itong naglakad palabas habang hawak nito sa kabilang kamay ang salbabida ng anak.

Mafia Boss Trapped (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon