CHAPTER FOUR

122 2 2
                                    

NAPAG-ALAMAN kalaunan ni Beatrice na isa sa matalik na kaibigan ng Kuya Novice niya ang tinatawag niyang "kuya Ruru".

Hindi kasi siya tumigil hangga't hindi niya ito nakikilala sa gabing iyon. Naglupasay at nag-iiyak pa nga si Beatrice ng hindi na niya makita sa kanyang party ang lalaki.

Mabuti na lang at napakalma rin siya matapos na isudgest ni Penelope na i-checked ang mga CCTV footage. Ora-orada ay dumiretso siya roon. Sumunod naman agad ang parents at Kuya Novice niya.

Tinignan nila ang kuha sa oras kung saan nasa loob pa silang tatlo nina Elisse. Nanlaki ang mata ni Beatrice at mabilis na itinuro sa screen ng monitor ang papalabas na si Rudny. Kulang na lang ay yakapin at halikan iyon ni Beatrice pero pinigilan niya lang ang sarili.

Hanggang sa ibunyag na nga Mommy at Daddy niya na kilala nila ang lalaking kinababaliwan niya. Walang iba kung 'di si Rudny Aragon, isa sa matalik na kaibigan mula highschool ng nakatatandang kapatid niya na si Novice.

Magmula noon ay parati na niyang  sinusundan ang lalaki, ilang beses man siyang pagsabihan ng pamilya at mga kaibigan niya na tigilan ang kakahabol sa lalaki ay hindi siya tumatalima.

She believe one day Rudny will see her as a real woman na seseryusuhin nito.

Dahil habang patagal ng patagal ng paghahabol niya ang pagsampal sa kanya ng katotohanan na ginamit lang talaga siya ng binata para makawala sa arranged marriage nito kay Elisse magmula noon at hanggang ngayon ay lagi siyang tinatakbuhan at pinakaiwas-iwasan nito. . .

MULING bumalik ang pansin ni Beatrice sa ama ng maramdaman niya ang paghawak ng ama nito sa palad niyang nakapatong sa may lamesa.

"Sana naman iha ay mas maasahan kita. Huwag mo naman tularan ang Kuya mo na ayaw ng magkapamilya, I mean humanap ka ng lalaking maipagmamalaki mo at proud din sa'yo,"payo pa nito.

"But Dad... si Rudny lang po gusto ko. Sana maunawaan niyo iyon."

Napabuntong-hininga naman si Don Vecenti kitang-kita sa mukha nito ang resignation.

"Okay naiintindihan ko ano pa bang magagawa ko."

"Thanks Dad! saka I have an idea. I know you'll gonna like it, lalo at gustong-gusto niyo ng magka-apo. Sorry Dad gustuhin ko man pagbigyan kayo ay wala pa sa isip ko iyan. Nag-e-enjoy pa ho ako sa pagkadalaga ko, but this idea alam ko masosolusyunan ang mga iniisip niyo."Kasabay niyon ang pagbulong niya sa teynga ng ama. pansin ni Beatrice ang sunod-sunod nitong pagtango na tila nasisiyahan sa naisip niyang plano.

Maya-maya ay tuluyan na nitong kinuha ang baston na nasa gilid at naglakad papasok ng mansyon.

"Balitaan mo ako agad kapag ano ng balita okay Dad,"maarte pang pahabol ni Beatrice habang sumisimsim ng pineapple juice.

"Sure iha, thanks for the wonderful idea."Tumalikod na ito pagkatapos.

Ngiting-ngiti naman si Beatrice tuluyan niyang kinuha ang IPhone niya na nakapatong sa lamesa.

Halos magtitili siya ng makita niya ang bagong post na photo ni Rudny sa Instagram nito.

"Infairness Million na ang followers at libo-libo ang mga heart reaction ng mga post mo sweetheart. Haisst! Kailan kaya mo ako makakasama sa isang post mo, sabagay malapit na iyon... malapit na!"Isang ngisi ang pumunit sa labi ni Beatrice. Ipinagpatuloy niya ang pag-i-stalk sa binatang halos limang taon na niyang hinahabol-habol.

PATULOY lamang ang paglagok ni Novice sa tangan na baso. Naglalaman iyon ng isang mamahaling alak na galing Paris, pasado alas-siyete  na ng gabi.

Mafia Boss Trapped (Completed)Where stories live. Discover now