CHAPTER THIRTEEN

63 2 2
                                    

BIGLA ang ginawang pagtayo ni Beatrice mula sa pagkakaupo niya sa sofa na naroon. Nagpupuyos ang kalooban niya na napatitig siya sa sariling ama.

"Daddy! what is the meaning of this! Ang ibig sabihin lang ba nito ay hindi ako a-ang pinapaniwalaan mo? at si Camilla pa talaga ang mas kinampihan mo kaysa sa sarili mong anak! kahit kailan ay hindi ako magso-sorry sa babaeng iyan!"galit na galit niyang sabi kasabay ng pag-alis niya.

"Excuse me po,"wika ni Camilla na tumayo rin.

"Saan ka pupunta iha?"tanong ni Donya Clarisse.

"Kakausapin ko po si ate, hindi ko gusto na nanatiling may galit siya sa akin,"wika ni Camilla. Nang tumango si Donya Clarisse ay tuloy-tuloy na itong lumabas.

Naiiling naman na napasapo sa noo si Don Vicenti.

"Iyan ang sinasabi ko sa'yo dati pa kung ako ang nagpalaki sa batang iyan ay hindi sana siya lalaking ganito,"parinig ni Donya Clarisse.

"Sinasabi mo ba na mali ang pagpapalaki ko sa sarili nating anak?"hindi makapaniwalang sambit ng Don.

"Ikaw ang nagsabi niyan at hindi ako. Ang sa akin lang, sana tutukan mo si Beatrice, hindi ka na bumabata. Sige na at uuwi na kami ni Camilla."Kasabay ng pagtayo nito.

Hindi naman na nakapagsalita ito, binalingan nito si Rudny na tahimik lamang nakaupo sa kaibayong sofa.

"Rudny iho, nakita mo naman kung gaano kaseryuso ang anak ko pagdating sa'yo. Huling beses ko na itong itatanong. Hindi mo ba kayang tugunin ang nararamdaman niya para sa iyo?"diretsang tanong ni Don Vicenti nang makaalis ang ginang.

Sa sandaling marinig ni Rudny ang sinabi ng Don ay tila may naghahabulan na daga sa loob ng dibdib niya. Ewan ba niya ngunit kabado siya, mataman din niyang pinag-iisipan kung ano ang isasagot sa ama nina Novice at Beatrice. 

Nag-alis muna ng bara mula sa lalamunan bago siya magsalita. "Pasensya na po pero pagtingin kaibigan lang ho talaga ang tingin ko k-kay Beatrice,"matapat na sagot ni Rudny na tinapatan ang titig ng matandang lalaki.

Sa pagkurap ng binata ay tuluyan nagbago ang reaksiyon sa mukha ni Don Vicenti. lumamig ng titig nito sa kanya, pansin din ni Rudny ang paggalawan ng panga nito at ang pagkuyom ng kanan palad kung saan humahawak sa may baston nito.

"Kung gayon ihanda mo ang sarili mo na layuan ang anak ko."

"Paano ko ho gagawin iyon, gayong siya itong habol ng habol sa akin."

"Pwes! gawan mo ng paraan na matigil ang pagkahumaling niya sa iyo. Kung ayaw mong siya ang pahirapan ko,"nagbabantang saad ng matandang lalaki.

Tuluyan nawala ang ngiti sa  labi ni Rudny, hindi aakalain nito na ganito ito katuso. Hindi alam ng binata kung hanggang saan ang kaya nitong gawin. Kung dati ang kaibigan niyang si Novice ay makakaya nitong maalisan ng mana at palayasin ay si Beatrice pa kaya. Sa naiisip na maging kahinatnan sa dalaga ay para bang biglang nanakit ang ulo ng binata.

"Susubukan ko ho,"wika ni Rudny.

"Huwag mong subukan, gawin mo..."Saka ito tuluyan tumayo at naglakad palabas.

Natulala lamang si Rudny sa lumipas na sandali, maya-maya ay tuluyan niyang inihilamos ang palad sa mukha. Parang pasan niya ng sandaling iyon ang buong mundo.

BINILISAN ni Beatrice ang paglalakad, inis na inis pa rin siya sa nangyari. Hindi niya aakalain na  siya pa ang mapahiya sa huli.

Natigil sa paghakbang si Beatrice nang makarinig siya ng sumusunod na yabag mula sa likuran niya. Nang lumingon siya ay kita niya si Camilla. Tuluyan siyang natigilan at unti-unti'y hinarap niya ang babaeng karibal na niya ata sa lahat, mapa-bagay man o sa mga taong malalapit man sa kanya.

Mafia Boss Trapped (Completed)Where stories live. Discover now