CHAPTER EIGHT

67 1 1
                                    

AGAD niyang inilapag ang kinakain, kahit ang totoo ay sarap na sarap pa siya sa pagkain niyon.

Nag-alis siya ng bara matapos na makainom ng ice tea.

"Nasaan siya?"seryusong tanong ni Rudny.

"Si Ate Beatrice? nasa taas sa first room pinapatayo niya iyong dress niya na nabasa ko. Nakakahiya nga kasi—"Hindi na pinatapos ni Rudny sa pagsasalita ang kapatid dahil tumuwid na siya ng tayo at nag-excuse sa mga kasama.

Panay pa ang pagtawag sa kanya ni Rodjun ngunit hindi na niya pinapakinggan ito dire-diretso siya. Agad niyang natumbok ang silid na sinabi ng nakakabatang kapatid na pinasukan ni Beatrice. Mabilis niyang ipinihit ang seradura niyon at ibinukas.

"Bea! Where are you?"Ngunit walang sagot mula rito. Lalo tuloy nairita si Rudny. Agad niyang hinalughog ang buong silid, pero halos napuntahan na niya ang bawat sulok niyon ay hindi niya pa nakikita ni kahit anino ng babae.

Kaya upang tuluyan siyang lumabas sa silid na iyon, baba na sana siya upang itanong sa kapatid kung nasaan si Beatrice nang mapansin niya ang ingay na nagmumula sa loob ng sariling silid. Nakabukas ng kaunti ang pinto niyon.

Agad ang pagsasalubong ng kilay niya ang init ng ulo niya ay lalong tumaas. Dahil ayaw niyang may pumapasok sa sariling silid.

"Shit!"mura ni Rudny nang mapagtanto niyang tama ang hinala niya. May pumasok at nakialam sa sarili niyang silid!

Patunay iyon ang bukas na kurtina sa may bintana, ang mga kalat na iniwan niya kaninang umaga bago siya umalis ay wala na. Napakuyom ng kamao si Rudny sa naiisip kung sino sa mga katulong sa bahay nila ang nangahas na pumasok roon! Dahil kabilin-bilinan niya na walang pweding makapasok sa sariling silid niya.

Mabibigat ang paa na naglakad siya sa may banyo niya, dahil doon niya naririnig ang malakas na ingay ng hair blower. Walang pasakalye na itinulak niya ang hamba ng pinto dahil nakabukas iyon nang kaunti.

Tila slow motion ang sumunod na pangyayari dahil sa tuluyan pag-awang ng pinto ay nakita niya mula sa loob si Beatrice na kasalukuyan walang suot na damit.

Hindi maiwasan ni Rudny na mapalunok habang pinagmamasdan niya ang nagulat na reaction ng mukha ng babae.

Saglit siyang nawala sa sarili at napakurap lang siya habang bumababa ang mata niya sa tayong-tayo na dibdib nito ang flat na tyan at ang ibabang bahagi na tinatakpan lang ng maliit na tela.

Biglang nanuyo ang lalamunan ni Rudny, kasabay ng pagiinit ng buong katawan niya.

"Bastos! get out! jerk!"hysterical na tili ni Beatrice kaya upang mahimasmasan si Rudny.

"Hey! lower you voice,"anas niya. Hindi na niya napigilan ang sarili mabilis niyang nilapitan at itinakip ang palad sa bibig ng babae. Lalong nanlaki ang mata nito at panay tapik ang ginawa nito sa palad ng binata.

Langhap ni Rudny ang kabanguhan niya, lalong bumilis ang pagtibok ng puso niya ng hapitin niya ang munting beywang ng dalaga palapit sa kanya.

"Shhh! Bea please..."hindi na maituloy ni Rudny ang sasabihin dahil sa pagbalot ng pagnanasa sa kanya. He barely feel the bare skin of Beatrice kung saan nakahawak lang naman ang isang palad niya. Napatitig siya sa nakalitaw na balikat ng dalaga.

Aktong ibaba na ni Rundy ang mukha roon para halikan iyon ng maramdaman niya ang pagkagat ni Beatrice sa palad niya.

"Ouch! why you did that!"gulat at nasaktan ani ni Rudny na agad tinignan ang kamay. Sa sandaling iyon ay nagmarka ang kagat nito roon naiiling naman binalingan ito ng binata.

Mafia Boss Trapped (Completed)Where stories live. Discover now