CHAPTER TWENTY TWO

60 2 2
                                    

KATULAD ng plano ay hindi nagagawi si Rudny sa condominium unit niya sa Roxas, kung saan nakatira si Beatrice.

Ngunit sa ika-isang linggo ng ginagawang pag-iwas rito ay kinailangan niyang puntahan mismo ang dalaga.

Binilisan ni Rudny ang paglalakad nang bumukas ang pinto ng elevator. Kita niya sina Sigmund at Luther na nasa harapan ng pinto, tinanguan niya lang ang dalawa matapos siyang binati ng mga ito.

Tuluyan niyang sinusian ang seradura  gamit ang duplicate key niya.

"Bek-Bek! ang sabi sa akin ni Novice ay—"Ngunit hindi na natapos ni Rudny ang sasabihin dahil kitang-kita niya si Beatrice na busy sa paghahalo ng laman ng kaserola na kasalukuyan nakasalang sa may kalan.

"Naks! wala pang kalahating oras ay narito ka na Ruru. Na-appreciate ko naman ang pag-aalala mo sa akin. Dahil diyan ay naghanda ako ng food for you na tiyak mong magugustuhan,"masiglang wika ni Beatrice na binale-wala ang pagdidilim ng mukha nito.

Sa totoo lang ay nagsinungaling siya sa Kuya Novice niya na masama ang pakiramdam niya. Mabuti na lang at napaniwala niya ang kapatid. Noong una ay naisip niya ang dalawang tauhan ni Rudny ang gagamitin niya para mapuntahan siya  pero naawa naman ito dahil baka sila ang sumalo ng galit ng lalaki kapag nagkataon.

"Pwedi ba Beatrice, kung hindi naman masama ang pakiramdam mo ay aalis na ako. Marami pa akong dapat asikasuhin,"masungit na saad ni Rudny na akmang tatalikod.

"Oops! teka! alas-dose na ng tanghali, ang mabuti pa'y kumain ka na muna,"yakag ni Beatrice. Mabilis pa niyang inabot ang braso nito.

Pasimpleng tinitigan naman ni Rudny iyon at agad na inalis niya ang pagkakahawak ng dalaga roon.

"Please! sige na para naman may makasabay akong kumain. Lagi na lang akong mag-isa rito,"malungkot na amin ni Beatrice.

Matagal muna siyang tinitigan ni Rudny, maya-maya'y tuluyan itong napabuntong-hininga.

"Alright! but please Bea I hope it will be the last time na kailangan mo pang magsinungaling para mapuntahan lang kita rito. Isipin mo rin ang mga taong ginagamit mo sa mga kalokohan mo. Ano nang iisipin ni Novice kapag nalaman niya ito,"pangangaral pa ni Rudny.

"Eh, hindi mo naman ako isusumbong diba?"

"Ano bang magagawa ko, siya sige maghuhugas muna ako ng kamay."Saka ito tumalikod at nagpunta sa banyo.

Dali-dali naman naghain si Beatrice, nailagay na niya lahat sa lamesa ng niluto niyang chapsuey.

Tumanghod-tanghod pa si Beatrice para tignan kung palapit na si Rudny. Agad niyang inilabas sa may bulsa ng apron na suot-suot ang isang maliit na botelya.

Tatlong patak lang ang inilagay niya sa mangkok na naglalaman ng ulam ng binata. Mabilis niya rin isinilid iyon pagkatapos.

Tuluyan na siyang umupo sa pwesto niya at hinintay si Rudny.

"Kain na tayo?"panimula ni Beatrice. Akmang kukuha na ng ulam ang dalaga sa mangkok niya ng bigla na lang iyon kuhanin at inilagay lahat ng laman ni Rudny sa sarili nitong plato.

"Halla! a-andaya! akin iyan!"kabado niyang suway sa lalaki na masagana ng ngumunguya.

"Pwedi ba Beatrice, mas maraming broccoli itong sa'yo. Kaya palit na lang tayo,"tugon ni Rudny.

"K-Kasi... ayuko nito!"himutok niya at itinulak  ang mangkok ni Rudny patabi.

"Bea... sayang naman 'tu. Kainin mona na, dahil kung hindi mo kakainin. Iisipin ko na may inilagay ka diyan,"sambit nito.

Mafia Boss Trapped (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat