CHAPTER TWENTY

61 2 1
                                    

PUMASOK na sa loob ng elevator si Beatrice at Seth ng mga sandaling iyon.

"Can I ask a something Bea sana ay huwag kang ma-offend sa itatanong ko,"wika ng binata habang lulan sila ng elevator. Walang tao kaya maari niyang masabi iyon.

"Ano iyon?"

"Umuuwi pala si Rudny rit sa condo, ang alam ko marami pa siyang available na unit. Nakakapagtaka lang na pinipili niyang magpalipas ng gabi rito,"wika ni Seth.

"A-ano ba ang pinupunto mo?"nag-umpisa na siyang magtaray.

"C'mon Bea, today I'm gonna start to court you. Sana naman seryusuhin mo iyon, I will do everything para maging karapat-dapat ako sa'yo. When the right time came sana ay umalis ka na sa condominium unit niya,"tuloy-tuloy na wika ni Seth. Nahimigan ni Beatrice ang pagka-possesive sa tono ng tinig ng binata.

Tuluyan na siyang lumabas nang magbukas ang elevator.

"Hey! naiintindihan mo ba ang sinasabi ko. Sana matutuhan mo rin balang-araw na mahalin ako,"pahabol pa ni Seth na ipinagbukas na niya ng pinto ng sasakiyan ito.

Natigilan naman sa pagpasok si Beatrice at tinitigan sa mata ito.

"Paano kung hindi, you know Seth kung minamadali mo ako. Ngayon pa lang ay huwag mo ng ituloy ang panliligaw, baka masaktan ka lang,"babala ni Beatrice.

"Willing akong masaktan kung ikaw naman ang magpaparamdam niyon."Kasabay ng pagkindat nito at pagbukas ng pinto kung saan sasakay ang dalaga.

Iniikot na lang ni Beatrice ang mata at pumasok na sa loob.

Nakakatawa lang heto siya panay ang paghahabol sa lalaking hindi natatablan sa kanya. Habang may isang lalaki na dumating sa buhay niya na maghahabol naman para mahalin niya.

Ewan niya, halos limang taon na rin siyang panay habol kay Rudny. Sana hindi nga lang dumating ang panahon na mapagod siya.

Sa araw na iyon ay lagi silang magkasama ni Seth, naging abala siya sa opisina dahil sa dami ng mga client. Isang malakas na tikhim ang pumukaw sa binabasang files ni Beatrice.

Nang iangat niya ang mukha ay nakita niyang ang boss niyang si Seth iyon. Matipid siyang ngumiti at tuluyan ipinagilid ang mga dokumento.

"May kailangan kayo sir?"tanong niya.

Tumingin naman sa digital wrist watch nito ang binata.

"Tara ng maglunch, may alam akong masarap na restaurant malapit dito. Alas-dose na,"pag-aya ni Seth na may matamis na ngiti sa labi habang nakatitig sa dalaga.

"Ahy! Oo nga pala, hindi ko napansin ang oras."

"Busy ka kasi masyado sa binabasa mo. Huwag mo naman masyadong pinapagod ang sarili mo, hinay-hinay lang is that clear,"sabi pa niya.

"B-but sir—"

"No but, I am your boss kaya ako ang masusunod. Pero kung sasagutin mo lang ako agad-agad ikaw na ang magiging boss ko."Sabay ng pagkindat pa nito sa babae.

Pinamulahan naman si Beatrice at inilinga-linga pa niya ang pansin sinisiguro niya na walang tao.

"Sshhh! Ano ka ba baka may makarinig machismis pa tayo!"saway na sa lalaki. Tumayo na siya at kinuha ang shoulder bag na nakapatong sa may kabinet.

Sinabayan na nitong maglakad si Seth na agad pinindot ang private elevator ng opisina nito.

"Relax, walang nakarinig sa  sinabi ko. Maano naman kung meron man, remember I'm the boss of this company. I can do whatever I want."

Mafia Boss Trapped (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon