Chapter 31

140 2 0
                                    

Myra's:

"Thank you! Love you too!" Bumeso ako sa isang teenager fan matapos kong pirmahan ang notebook niya. May isa pang lumapit at inabutan ako ng malaking picture frame.






Napanganga ako agad at malapad na ngumiti nang makita kong mukha ko ang naka-drawing doon. Tanda ko pa naman ang picture na ginaya niya at mas lalo akong namangha dahil kahit maliliit na detalye ay kuhang-kuha niya.






"I love this so much! Thank you!" Niyakap ko 'yon. Ang dami ring nag-aabot ng phones sa'kin para mag-picture. "Akin na ba 'to?! Salamat!" Malakas akong tumawa at pabirong binulsa ang mga phone nila. "Galante niyo, ah!" Saka ako nakipag-groufie sa kanila.







"Marry me, Myra!" Napalingon ako nang marinig ko 'yon. Hindi ko makita kung sino dahil mukhang nasa gitna siya ng crowd.





"Give me the ring!" Sigaw ko rin pabalik sa kung sino man 'yon. Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao kaya natawa na lang ako.





"Oh my gosh! You're pretty!" Another teenage girl handed me a notebook. "You're prettier!" I scrunch my nose, smiling from ear to ear as I gave it back to her after I signed.






Gusto ko pa sana silang i-entertain lahat kahit gaano pa sila karami kaso kaylangan ko na rin magpahinga. Tinawag na rin ako ng bodyguard ko dahil narito na ang sundo kaya nagsimula na 'kong maglakad ulit. Kumaway na lang ako sa kanilang lahat hanggang makalabas na ako ng airport.







"Happy to see you again, Myra. I missed you!" Bumeso sa'kin si Mrs. Flores nang salubungin niya rin ako. She's my new manager alongside with Sir Martin Castillo, the two who helped me to be on this spot.





"Kamusta po si Bella?" Ang anak niya agad ang una kong hinanap. Matagal na rin kasi no'ng huling usap pa namin. Simula rin no'ng nawala ako rito ay naging busy na tao na siya. I wonder how's everything with her? No'ng iniwan ko rin 'yon dito ay parehas pa kaming sawi.






"Ay nako. Iyong batang 'yon halos hindi na makatulog kahihintay sa pag-uwi mo rito," sagot ni Mrs. Flores. Pumasok na kami sa sasakyan niya. Hinarang na rin ng mga guard ang mga tao ro'n dahil balak pa yata nila akong sundan. I waved goodbye at them once again. blowing some kisses before I closed the windshield. "Phew..." I let out a deep breath.





Isinandal ko ang ulo ko sa bintana habang pinagmamasdan ang view sa labas. No'ng sinabi ng director namin na may mga scenes sa upcoming movie ay dito isho-shoot, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil makakabalik ako ulit dito o dapat ba akong kabahan dahil marami akong ayaw balikan dito. Pero wala na akong magagawa. Nandito na ako ulit, para na lang din sa trabaho ko.



🩷

"Saang hotel ka nga, anak?" tanong ni Mrs. Flores habang nagda-drive siya.




"Sa AL Hotel po."





Napatingin siya agad sa'kin. Parang tinatanong din ako ng reaksyon niya kung sigurado ba ako sa sinabi ko. "Hindi po ba sinabi ni David sainyo?" Dahan-dahan ko ring tanong pabalik.




"He did. I just wanted to make sure, though. Alam mo naman 'yon si David, maloko rin. Baka kasi mamaya iba kayo ng sagot. Oh, by the way, did you eat already?" Pag-iiba niya agad ng usapan. "Kasi kung hindi pa, I bought you Ala King." Turo niya sa backseat. Parang lalabas ang puso ko sa tuwa nang malingon 'yon.







The Spotlight of Destiny (A Lover in Paris 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon