Chapter 1

1.1K 63 158
                                    

Myranda Voredel
🩷


Saktong 2:30 ng hapon nang magising ako dahil sa phone kong kanina pa ring nang ring. Nang kunin ko sa charger ay tumambad ang nine missed calls at 53 messages ni Rashyle. Napabangon ako nang maalala kong may lakad nga pala kami.



Nag-iwan na lang ako ng voice message sa kanya at dali-dali na akong nag-ayos ng sarili ko saka dumiretso sa meeting place namin. Pababa pa lang ako ng taxi ay sinalubong na niya ako agad ng beast mode niyang mukha.




"Usapan natin walang matutulog. 1:30 call time natin dito. Anong oras na, oh? Isang oras na 'kong naghihintay. Kung hindi pa kita siguro tinawagan, tumutulo pa rin laway mo ngayon." Pinag-krus niya ang kanyang mga braso.





"Sorry na." Yumakap ako sa kanya nang tumalikod siya. "Antok na antok kasi talaga ako. Dapat natulog ka rin para quits tayo. Hehe."



Simula 6 a.m. kasi ay gising na kami para mag-practice sa gaganaping recital namin. At ngayong hapon ay bibili kami ng susuotin para sa prom  namin next week.



Umirap lang din sa akin si Rashyle. "Tara na't pupuntahan pa natin si Erica dahil sigurado akong plakda rin 'yon. Ang bagal niyo pa naman kumilos dalawa."




"Ito naman, galit na galit."


"Ikaw kaya paghintayin ko ng isang oras dito. Hindi ka magagalit?"




"Sorry na nga kasi, Shyle. Promise, mag-aalarm na 'ko next time." I raised my right palm.





"Oo, teh. Dapat lang." Hinila na niya 'ko para puntahan si Erica. Hindi rin naman kalayuan ang bahay niya kaya hindi kami matatagalan.

🩷

Tama rin si Rashyle na tulog nga din si Erica nang sunduin namin siya. Mama niya na rin ang nagsabing kami na lang ang gumising sa kanya. Hindi siya madaan sa tapik-tapik lang kaya ang ginawa namin ni Rashyle ay dumagan sa kanya.




"Gagi, anong ginagawa niyo rito?" Nagkukusot-kusot pa siya ng mata niya nang makabangon na din.





"Ayusin mo na ang sarili mo. Bibili tayo ng susuotin sa prom. Kanina pa naghihintay si Amara sa mall." Inip na si Rashyle kanina pa.




"Hala, oo nga! Sorry nakatulog ako. Teka lang, maliligo na 'ko."




"Huwag naman sana isang oras ang itagal mo r'yan sa banyo, ha?"


"Hindi ako magtatagal dito. Sayang mga gwapo sa mall kung hindi maaabutan." Tawa ni Erica mula sa banyo saka kami nakarinig nang pag-bukas ng shower.


Binigyan din muna kami ng mama niya ng meryenda. Nagdaldalan na rin muna kami ni Rashyle hanggang sa makatapos din si Erica sa pag-aayos ng sarili niya. Nagpaalam na kami sa mama niya saka  kami dumiretsong mall.



The Spotlight of Destiny (A Lover in Paris 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant