Chapter 16

215 24 59
                                    

After the movie trailer was been released, it didn't surprise me to see it on the first spot of Twitter's trending list. Ang ikinagulat ko ay nang makita ko ang pangalan ko na nasa trending list din. Sabog din ang notifications ko sa lahat ng social media na hindi ko rin inaasahan.




"ARTICLE: From theater stage to big screen, rising star, Myranda Scarlett Voredel really captured the hearts of many after the trailer was been released."




#5 Myranda Scarlett Voredel
#6 RisingTheaterStarLett



I know not everyone will love you everyday but I'll just focus on the positives. Reading all of the supports and appreciations really made my whole heart melt. Walang eksaktong salita kung gaano ako kasaya sa mga maliliit na bagay na 'to at alam kong hindi pa sapat ang salitang salamat. I know you can't please everyone. So, I'll just continue doing my best.





🩷

Ngayon din ang unang beses na nakatapak ako sa red carpet kasama ang iba pang mga casts. Ito rin ang unang movie premiere na na-attendan ko. Naghahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko sa bawat lakad at tingin sa camera. Kaway dito, kaway doon. Ngiti rito, ngiti ro'n. Masakit sa panga pero sobrang sulit. After namin sa movie premiere ay after party naman kami sunod.




Narito rin sina Erica at Bella. Pati na rin ang hindi ko inaasahang parte ng industriyang 'to, si Hans Fresnido. Agad akong napaharap sa kanya nang hapitin niya ako sa bewang. Kamuntikan ko pa siyang matapunan ng iniinom ko. Nang mapansin ko ang posisyon naming dalawa ay agad akong lumayo.




"Didn't know you're a part of showbiz?" I chuckled, trying to make the awkward atmosphere go away.




"I'm not but my mom is." Turo niya sa babaeng may hawak na cuervo at nakikipag-chikahan. "I thought you knew. Magkaibigan sila ng mama mo. They used to do shopping in Paris sometimes." Inom niya sa alak niya.




Wala naman kasi masyadong ikinukwento sa'kin si Mama maliban sa business. Alam ko lang din ay maraming humahanga sa kanya dahil isa rin siyang fashion designer ro'n. Alam ko ring marami siyang kaibigan pero hindi ko alam kung sino ang tunay sa mga 'yon. We used to have fun together sometimes but I never had deep talks with her. Napa-question tuloy ako sa sarili ko.





My career grew and grew slowly. Minsan ay kasama ko si Erica kapag may mga photoshoots kami. At habang tumatagal din ay kaylangan kong magtago sa publiko. I need to wear hoodies sometimes just to hide myself, especially, when I'm with Niel.


Alam ko kung gaano kaayaw ni Niel sa mga paparazzi, sa camera, sa spotlight, sa lahat ng related sa showbiz. Naiintindihan ko siya at ayaw kong maranasan niya ulit ang dinanas niya noon. I don't want to drag him down with me if ever that happens...



So far, I've never been paired by anyone on the set. Though, it's a part of my contract. Hindi ko alam kung kaylan mangyayari 'yon pero sana maintindihan ni Niel na para sa trabaho lang 'yon. Hindi ko siya kayang ipagpalit sa kahit kanino. Hindi ko ma-imagine...




Ayoko maging hadlang ang trabaho ko sa pag-aaral at sa relasyon naming dalawa. Minsan, sa library na lang kami malayang nakakapag-kita. Minsan, sa bahay ng isa't-isa. Natutuwa naman ako dahil malawak ang pag-iintindi ni Niel sa mga bagay at hindi niya ako hinahayaang mahirapan.




🩷

Saktong 5 p.m. nang makatapos na kami sa schoolworks namin dito sa milktea shop na madalas pa rin naming tambayan. Palabas na kami nang biglang may lumapit sa kanyang babae. Maganda, hazel brown ang buhok, medyo chinita, matangkad, at mukhang may lahi. Talaga namang napatitig ako sa kanya. Mas lalo pang nakapagpa-ganda sa kanya ang ngiti niya. Para siyang anghel.




The Spotlight of Destiny (A Lover in Paris 1)Where stories live. Discover now