Chapter 34

156 3 0
                                    

Paulit-ulit kong pinapanood ang mga stories niya habang minamasahe ang paa ko dahil sa sakit nang biglang may nagsalita sa'kin. "Band aid." He handed me a small pink box. My heart almost jumped out of me when I took a glanced at him. It was really him! He's really here! In front of me again!








"T-thank you." Agad akong umiwas ng tingin nang kunin ko na rin ang box ng band aid sa kamay niya. Hindi na ako mag-iinarte pang gamitin 'to dahil masakit na talaga ang paa ko. Dalawa lang din naman ang kaylangan ko.








Nang ibabalik ko na 'yong box ay nakita kong naglalakad na siya palayo kaya agad ko siyang tinawag. Mukhang hindi niya pa yata ako narinig kaya no choice ako kundi ang habulin siya.








"You forgot this. Thank you." I tried my best not to look awkward when he faced me. He just took a glanced on the box and smirked before returning his gaze back at me again.







"You might need it more than I do." Ngumisi pa siya bago tuluyang bumalik sa table nila.






Hindi rin naman siya nagtagal doon at muling bumalik sa'kin pagkatapos niya makipagtawanan sa mga kasama niya. "I think I needed the band aid back," he said politely. Agad ko rin naman iyon binigay sa kanya ulit pero nagtaka ako nang 'di pa siya umalis agad sa harap ko.





"May problema pa ba?"

"Mag-isa ka lang ba rito?"


"No. My friends are somewhere around the corner." I tried to looked around but I don't see any sign of them.






Hindi rin ako sure kung magkikita pa nga ba kami mamaya. Minsan, kapag magcu-club talaga kami, kaylangan namin itali ang isa't-isa dahil ang hirap namin hagilapin kahit nasa iisang lugar lang din naman kami.





🩷

"Uy, Myra! Totoo ngang nakabalik ka na! Akala ko nagbibiro lang si Niel. Alam mo ba—" Tinulak agad ni Niel ang mukha ni Dylan kaya hindi niya natuloy ang sasabihin niya. Well, he was about to not until Niel interrupted him again.






"Uh, can I get you a drink?"





Napakurap-kurap pa ako sa tanong niya habang si Dylan tawang-tawa sa gilid niya. Halatang asar na asar na rin naman 'tong isa. Hindi na rin ako nakaangal pa o ano nang akayin na rin kami ni Dylan papunta sa table nila.







"Kamusta ang buhay natin sa France, mademoiselle? May asawa ka na ba ro'n? Ako kasi ikakasal na sa susunod, e. Sana kayo rin," sabi ni Dylan.







"Wala na akong balak mag-asawa. Magiging young reach single auntie na lang ako habambuhay." Natawa na lang ako sa sinabi ko.







"Ay gano'n ba? Pwede ba palitan ang balak mo sabi ng tropa ko rito? Balak din nito maging reach single tito, e." He patted Niel's shoulder. "Pakipigilan nga. Gusto ko pang makita ng mga inaanak ko sa inyo kung gaano ka-gwapo ninong nila."






"Manahimik ka nga, kingina mo. Huwag kang nagpapaniwala sa kalokohan niyan, Ms. Voredel." Napairap ito sa kaibigan niya.







Hindi ko alam kung ano ba dapat kong maramdaman sa tuwing hindi niya ako tinatawag sa mismong pangalan ko. Hindi ako sanay... "Just call me Myra." Ito naman parang others.






Inalis na lang ni Niel ang pagkakaakbay nito sa kanya at naunang maglakad pabalik ng table nila. "You really did pissed him off. Baliw ka talaga," sabi ko agad kay Dylan nang makalayo na rin ng agwat sa'min si Niel.






The Spotlight of Destiny (A Lover in Paris 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora