Chapter 12

306 31 83
                                    

Ilang kaarawan ko na ang lumipas at lagi akong mag-isa hanggang sa dumating sa puntong ayaw ko na lang maalala na nagbi-birthday pa 'ko dahil ayaw kong maalalang mag-isa ako. I used to hate my birthday not until I met these three amazing girls who became my sisters by heart. Plus  Niel, whom I met unexpectedly.






These people really proved that I'm not alone. My family might be far from me right now but at least she left me with people who can be my family here.





Suot ko ang pulang silky dress na binili para sa'kin ni Erica noong nakaraang buwan pa. Kaya pala sabi niya sa'kin ay huwag ko muna susuotin hangga't hindi pa December 10. Ito pala ang rason. Amara even booked the hotel for us to celebrate.







We partied all night long hanggang sa isa-isa na ring sumuko ang mga kasama ko. Hindi ako masyadong nag-inom dahil mayroon kaming theater class sa Sunday. May importanteng lakad ang staffs kaya na-moved ang araw. Sabado na ngayon at nadala ako sa ginawa ko dati. Isa pa, kakanta ako dahil parte ng play.







🌠

Nang matapos kami ni Niel maglinis ng pinag-inuman ay naisipan naming maglakad-lakad sa tabing-dagat na malapit lang din dito sa hotel. Nang makatigil kami ay saka niya ako sinuotan ng kwintas na mayroong letra ng pangalan niya.







"Fenmore?" sabi ko habang pinagmamasdan ang pendant. Tumango naman siya saka may ipinakita ring kwintas na may letra naman ng pangalan ko. "Fenmore and Scarlett," sambit ko. "It's beautiful, Niel. Thank you." I smiled sweetly as I admired the pendant. Sabay na rin naming pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan habang pinapakinggan ang tunog ng dagat.








Mayamaya'y may dumaan na shooting star kaya agad ko siyang pinag-wish. It may sounds childish but I really don't wanna miss one sa tuwing may dadaan na gano'n. "I wish we could stay like this forever, a better life, and of course, your happiness. You? What's your wish?" aniya habang nilalaro ang buhok ko.







Bigla kong naisip ang pangarap na gustong-gusto ko pati na rin ang mga sinabi ni Amara sa'kin noon. Siguro, hindi naman kaylangang itago sa kanya na gusto kong mag-artista balang-araw, 'no? He included my happiness and my happiness is that dream of mine.








Huminga ako ng malalim. Matagal na kaming nagsasama pero hanggang ngayon pakiramdam ko ay wala siyang masyadong alam sa'kin... "Sana matupad ang pangarap ko na maging sikat na artista." Agad ko siyang tinignan. "Hindi ba, ayaw mo sa gano'n? Ibig sabihin ba no'n, ayaw mo na rin sa'kin kapag naging gano'n ako?"






Agad din niya naman ako hinarap. "Ako? Aayaw sa'yo dahil lang sa gano'ng bagay? Ang babaw ko naman yatang tao no'n. Wala akong nakikitang rason para ayawan ka."








"Ayaw mo sa mundo ng showbiz dahil sa papa mo-"







"My dad and my girlfriend are different. Hindi ka papa ko, Myra. Pangarap mo 'yon. Bakit ko hahadlangan? Kung saan ka masaya, doon din ako. Sususportahan kita. Your happiness is my happiness. I may have my reasons why I hate showbiz but I guess I have reasons to love it again now. You want to be an actress? I'll be your number one fan, then." Kinurot niya ang pisngi ko.







Napangiti ako sa sinabi niya. Nakahinga na rin ako ng malalim dahil hindi ko na kaylangang itago pa 'yon. I can finally share it to him without any doubts.








🌠

Sinabi ko iyon sa mga kaibigan ko. Simula rin noong nalaman ni Niel 'yon ay madalas na siyang sumasama sa'kin sa mga rehearsals hanggang sa umabot na lang din sa puntong kilala na siya ng lahat.







The Spotlight of Destiny (A Lover in Paris 1)Where stories live. Discover now