Chapter 26

203 15 0
                                    

"Papunta na boyfriend mo." Tinapik ni Sky ang balikat ko. Hindi ko na nga alam kung paano ko pa ibabangon ang sarili ko dahil sa kalasingan. Parang gusto ko na lang humilata rito sa bar.







"Really?!" I got excited. "Sabihin mo, pakasal na kami!"






"Oo, naririnig ka niya. Noted raw."






Naramdaman kong may nag-angat na sa'kin para makabangon ako. Pinilit kong itayo ang sarili ko pero bumagsak lang din ako ulit sa couch.






Naayos lang ako nang marinig ko ang boses ni Niel... O baka guni-guni ko lang. Pinilit kong idilat ang mga mata ko. Alam kong walang kakambal si Sky kaya nagtataka ako bakit dalawang lalaki na ang nakikita ko.






"Gago ka, Skylar. May doppelgänger ka." Nahiga ako ulit. Narinig ko naman siyang tumawa. "Malala pala malasing 'tong girlfriend mo, bro. Kung ano-ano nakikita. Kanina pa 'yan." Rinig kong sabi niya habang natatawa.







Mayamaya'y may nag-angat ulit sa'kin at isinandal ako sa kanyang dibdib. "You're looking for me, hmm?" He was caressing my hair. Naramdaman ko pang hinalikan niya ang ulo ko.






"Who are you?" Hindi ko alam kung nananaginip na ba 'ko o ano dahil naaaninag ko ang mukha ni Niel ngayon o baka kinukuha na 'ko ng anghel kaya kung sino-sino na ang nakikita ko.





"Asawa mo."





Parang natanggalan ako ng amats at pinilit na ibinangon ang sarili sa pagkakasandal sa dibdib niya nang marinig ko na ng maayos ang boses niya. "B-bakit ka nandito? Akala ko ba may family dinner ka?" Napalingon din ako kay Sky na natatawa bago kami iwan.






"I lost my appetite so I left." Nagulat ako sa sinagot niya. "Paano naman si Tita? Hindi naman pwedeng alisan mo lang siya nang gano'n doon." Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa dahil alam ko naman kung saan din mapupunta ang usapan namin mamaya.






"Nagpaalam ako bago umalis."





"Paano si-"





"Paano ka? Come on. Sino ba ang girlfriend ko rito? She's not my business to focus with."






"And you can't just disobey your mom like that."






"I'm not being disrespectful. I just don't agree with that kind of idea. Arranged marriage will never work for me."







"But-" He interrupted me with a kiss, not making me say another word. Later that I realized my tears started to flow again. Putangina, kaylan ba mauubos 'to?!






"Huwag mo 'kong iwan. I'm begging you, Myra." Yumakap ito sa'kin habang umiiyak na rin sa balikat ko. "Please?" mahina niyang sabi at mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya.






Kumalas ako sa posisyon namin at inilingan siya. "We need to go our separate ways. It's for our own good." I cupped his face. Muli ko na namang kinagat ang dila ko dahil nakapagbitaw na naman ako ng salitang 'di ko naman tanggap.






"We can fix this. We don't need to break up." His eagerness to fix everything always... That hurt me even more... Hindi ko kayang makita siyang ganito dahil sa akin.






"Sumunod na lang tayo. Wala na tayong choice, Niel. Maiintindihan mo rin naman kung bakit kaylangan nating gawin 'to. Para sa ikabubuti nating dalawa. Isa pa, hindi ka ba napapagod madamay sa lahat ng issues ko?"






The Spotlight of Destiny (A Lover in Paris 1)Where stories live. Discover now