Chapter 24

190 16 0
                                    

I was about to enter the taxi when Felicity called out for me for the last time. Ayaw ko na sana siyang lingunin dahil alam kong naroon pa rin ang Mommy niya. Ayokong pagalitan pa siya. Nang abutin niya ang braso ko ay saka ko lamang siya hinarap.





"Ate, I'm sorry." She lowered her head, avoiding eye contact with me. "Sa totoo lang, hindi rin alam ni Kuya ang tungkol dito. Akala niya'y hindi na matutuloy 'to. Okay lang kahit magalit kayo sa'kin. Kasa-"







"No, please, Felicity. I can't get mad at you. I know your reasons kung bakit hindi mo agad sinabi. I know your intentions. Naiintindihan ko. Don't blame yourself for this, please?"






Unti-unti kong kinuha ang braso ko sa pagkakahawak niya nang tawagin na rin siya ng Mommy niya ulit. Ngumiti na lang din ako saka sumakay na rin sa taxi. I know she still have something to say pero tinalikuran ko na lang. Mukhang hindi pa ako handa marinig pa ang mga dapat.







Isinandal ko na lang ang aking ulo sa upuan ng sasakyan. I let out a deep sigh as I covered my face, letting my tears flow freely down my cheeks. I'm getting blanked again. Walang ibang laman ang isip ko ngayon kundi ang fixed marriage nila.






If only I knew this before...





🩷


Nang makita kong malapit na ako sa bababaan ko'y inayos ko na ulit ang aking sarili. Kulang na lang ay humilata ako sa carseat dahil parang hindi na kaya ng mga tuhod kong tumayo. Dumiretso ako agad sa kwarto nang makarating din ako sa bahay.






Nagpatugtog na rin ako ng malakas so no one could hear me crying. Dahan-dahan na lang ako naupo sa sofa at hindi malaman kung paano at saan ako kukuha ng lakas para kumilos. Bigla akong nawalan ng gana sa lahat. Akala ko wala ng kasunod 'tong ganitong pakiramdam.






Saka ko lang din nahawakan ang phone ko nang mamatay ang tugtog at nakitang tumawag si Niel. Napasandal na lang ako sa pinto habang pinapakinggan ang boses niya.






Kinukwento niya ang buong araw niya sa'kin habang ngayong pauwi na sila. I know he's already smiling from ear-to-ear kahit hindi ko nakikita. I know he's having a very good time with his friends. Ang saya-saya ng boses niya. Ang sarap pakinggan at hindi ko na rin alam kung hanggang kaylan ko na lang 'to maririnig.






[Niel: Where's Eli by the way? Can I talk to her?] My lips were trembling. I can still hear his Mom's words lately. I covered my mouth so he won't hear me weeping on the other line. I took a deep breath before answering him, telling him that Felicity's already home.






Mayamaya lang din ay ibinaba na namin ang tawag. Nag-text na rin siya sa'kin na nakauwi na siya. Doon pa lang ay pinatay ko na tuluyan ang phone ko. Mukhang hindi ko kakayaning pag-usapan 'yon ngayon. Hindi ko kaya... Hindi ko tanggap...





🩷


It was lunch time when I invited Erica and Amara for a milk tea date. Ito ang unang beses na lumabas kaming hindi kasama si Rashyle. But we still have ways. Nag-video call na lang kami. Kung milk tea amin ngayon, kape naman sa kanya ro'n sa France.






"Myra!" Erica snapped her fingers to get my attention. "Kanina ka pa nakatingin sa kawalan. Ayos ka lang ba?"






Hindi ako tumango. Hindi rin ako umiling saka ko inubos ang milk tea ko at nilaro-laro ang tirang yelo. Huminga ako nang malalim bago ko ikwento ang nangyari kahapon. Kulang na lang ay sa'kin nila ibuga 'yong iniinom nila nang marinig nila 'yon.






The Spotlight of Destiny (A Lover in Paris 1)Where stories live. Discover now