Chapter 9

344 39 120
                                    

"What do you think is the best gift for an 18th celebrant? A designer shoes or bag?" Inilahad ko ang dalawang palad ko sa kanya kahit hindi siya nakatingin, abala pa kasi siyang namimili ng menu na gusto niya.



"Or."




Tangina namang sagot 'yan. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at hinalikan nang matapos na rin siya sa pagpili. Akala niya siguro ay pinapahawak ko sa kanya ang kamay ko pero ang totoo ay sa right palm ko kunyari ang bags and sa left naman ang shoes.





"Dali na, noong debut ni Bella, ano ba ang binigay mo sa kanya?"





"Rose lang." Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa'kin. "Huwag ka mag-isip ng kung ano-ano. 18 roses kaming tatlong lalaking kaibigan niya at hindi ako ang last dance niya. Walang meaning ang rose na binigay ko. Ano lang, requirement 'yon kasi nga 18 roses ako," he defended himself immediately.




Wala pa nga akong sinasabi.




"Uh... okay? Pero ano nga? Bags or shoes? Help me choose. I don't know what to buy. Parehas lang naman kasi 'yon gusto ni Erica."






"Well, if you really can't decide which one, why not buy it both?"





"Just stick to one."






"Stick to one naman ako." Pabiro niyang kinagat ang hintuturo ko. Napairap na lang ako sa sagot niya. Hindi ko malaman kung seryoso ba siya o ginogood time lang ako masyado.






Habang kumakain, napagdesisyunan ko na designer shoes na lang ang ireregalo ko. Simpleng beach party lang rin ang ganap sa birthday ni Erica at kaming tatlo lang ang inimbitahan niya sa mismong araw ng birthday niya. Bawing-bawi naman daw ang ibang mga kaibigan niya noong nag-club kami.





🩷

Tama lang din na sinama ko si Niel dahil ang galing niya mamili ng sapatos, mapababae o lalaki man. Bonding din daw nila ni Felicity ang mag window shopping minsan.






I can tell that Niel also have a very good taste in fashion. Kahit simple lang ang suot niya, ang lakas pa rin ng dating. Pwedeng-pwede siya mag model kung hindi niya lang ayaw sa spotlight. "Myra, you okay? Ikaw na ang sunod sa counter." Tapik niya sa'kin. Bigla ko na namang naalala ang mga sinabi niya. Hindi ko na lang iyon pinansin pa at nagbayad na lang.





🩷

Habang pauwi rin kami ay napadaan kami sa Navotas Centennial Park at naisipan naming tumigil muna saglit doon para panoorin ang paglubog ng araw at pakinggan ang tunog ng mga alon. Walang nagsasalita sa amin at dinadama lang din namin ang malamig na simoy ng hangin.





The place was really giving me peace. And the fact that I'm with my favorite person, it's so comforting. Parang nakalimutan kong may mga problema ako kapag kasama ko siya. Nang maramdaman niyang nakatingin ako sa kanya'y nilingon na niya rin ako. Hindi na 'ko umiwas nang tingin bagkus nginitian ko na lang siya, admiring him silently, as always.






"Don't look at me like that. Baka himatayin ako sa kilig."




"Just don't mind me staring at you. Ibalik mo na lang ulit ang tingin mo sa view."



"I like the view better when I'm looking at you." Hinawakan niya ang kamay ko. "Parang noon lang, iniimagine ko lang na magkahawak tayo ng kamay. Tapos ngayon, hindi lang 'yon ang nagagawa ko. Pwede pa kitang yakapin."

The Spotlight of Destiny (A Lover in Paris 1)Where stories live. Discover now