Chapter 4

465 66 412
                                    

"Since when the both of you started dating?" nananabik na tanong sa'kin ni Amara habang inaayos ang kilay ko.



"That karaoke was a matchmaker." Erica giggled.




"What? No! We're not dating. Nagkataon lang na nakasama ko siya isang araw dahil sa walang kwentang detention na 'yon. Isa pa, ayoko sa lalaking maraming nagkakagusto. Ayaw ko ng maraming kaagaw kung sakali."





"Kapag nilunok mo 'yang sinabi mo, ililibre mo kami sa anniversary niyo, ha," singit ni Rashyle nang matapos na rin siyang ayusan ni Erica.




Sakto lang din nang makatapos kaming lahat sa pagaayos para sa graduation pic namin. Dumiretso na kami ng studio kung saan kami kukuhaan. Kami rin ang huling section na kukuhaan kaya less hassle.





"Anong kukunin niyong course sa college?" tanong ni Amara. "Ako, nursing."





"Psychology. 'Pag 'di kinaya, manghuhula na lang ako," biro ni Rashyle. "Char! Hindi pa nga siguradong ga-graduate, e." Tawa niya muli.





"Ikaw, Erica?" tanong muli ni Amara.




"Uhm, still undecided. I'm still not sure about what I want for me in the future. Saka kagaya ni Shyle, hindi rin ako sure kung ga-graduate ako." Sinabayan niya rin nang tawa si Rashyle.



"Ikaw?" tanong niya na sa'kin.




"Gusto ko maging artista." Like what I've always wanted as a kid. Napatango-tango naman si Amara sa sagot ko. "Hihintayin ko mukha mong lumabas sa malaking screen."




Isa-isa na kaming tinawag para kuhaan at nang matapos ay dumiretso na kaming practice para sa recital. Wala na kaming class buong araw dahil naubos na ang oras namin kaka-prepare. Kinabukasan na rin kasi ito gaganapin.




🩷

"Double time!" Sigaw ni Amara habang nakapamewang ito. Hindi na rin siya magkanda-ugaga rito sa backstage dahil ang gugulo ng mga artista niya kaya imbis na umacting, mas pinili ko na lang na tumulong sa kanya. Five minutes na lang din ay magsisimula na ang stage play namin.





Sayaw lang ang sinalihan ko para hindi ako gaanong mahirapan sa pagpapalit ng costumes. Nang matapos ang stage play ay agad na tinawag ang grupo ng mga hiphop dancers para mag-present. Ballroom pa naman ang sayaw ko at huli pa kami kaya nakatambay muna ako rito sa backstage.


Ilang oras din ang ginugol namin para sa recital hanggang sa matapos ang buong araw. Masasabi ko rin namang ginalingan talaga ng batch namin dahil huling pagkakataon na namin itong sasabak ng sama-sama sa stage.




🩷

"Sabay-sabay tayo kakain, ha? Hintayin niyo 'ko, mamimili pa ako ng sapatos ulit," ani Erica habang tumatakbo na palayo sa amin.


Nauna na rin si Amara sa resto na kakainan namin para magpa-reserve. Dumiretso namang Toy Kingdom si Rashyle, at heto ako ngayon, paikot-ikot sa department store dahil wala pa rin akong mapiling damit para sa graduation.




Kakaikot ko ay napadpad ako sa arcade mag-isa at sa sobrang bored ko rin ay naisipan ko na lang maglaro sa claw machine. Bahala na kung paano ko lilibangin ang sarili ko.




The Spotlight of Destiny (A Lover in Paris 1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum