Chapter 7

354 40 147
                                    

Nang makauwi ako sa bahay ay agad na may tumawag sa'kin. Tinitigan ko muna saglit iyon hanggang sa mapagtanto kong baka sa theater class na 'yon. Hindi nga ako nagkamali! Si Sir Castillo rin ang nakausap ko't sinabing this coming Saturday na ang start ko sa class.




Parang nakalimutan kong badtrip ako nang ibalita sa'kin 'yon ni Sir Castillo. Malaking bagay na 'yon sa'kin kaya ayaw kong sayangin. It can be the first step achieving the dream I want.




@mscarlettv: See you in theaters haha jk




I tweeted.




@its09am: Have fun babes! Congrats! 'Wag mo kami kakalimutan





@rashlavsyou: Hanap mo 'ko artista ha




@ericabyoung: @rashlavsyou saka na raw kapag hindi ka na nagcha-chat pag lasing. Btw, goodluck baby @mscarlettv dream big!





@rashlavsyou: @ericabyoung epal ka talaga sa buhay ko





@ericabyoung: @rashlavsyou i love you too.






🩷

Dumating na ang Sabado na hinihintay ko. Everyone was so nice and they welcomed me with open arms the moment I entered their building.





Naging parte na ng everyday routine ko ang theater class. Minsan, ay nahihirapan ako mag-adjust lalo na nang dumating ang hell week namin. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko.



🩷

Narinig kong tumutugtog ang laptop ko kaya ako nagising. Nang maitungo ko ang ulo ko ay bumungad sa'kin ang powerpoint ko na tapos na. Hindi ko mawari kung minumulto na ba 'ko rito sa libary o nananaginip pa 'ko. I checked every slides at sa pinakadulo noon ay may nakalagay: "Milktea tayo kapag gising ka na :)"






Sunod-sunod rin ang text messages ko galing kay Niel at tinatanong ako kung gising na ba 'ko, tulog pa ba 'ko, at diretso raw ako sa milktea shop kapag gising na 'ko dahil naghihintay siya ro'n. Iyong ibang text ay 30 minutes na ang nakakalipas kaya naman nagmadali akong mag-ayos ng gamit at dumiretso ro'n.



Agad ko siyang binati nang makarating ako at nag-sorry dahil ang tagal ko at nag-thank you na rin dahil tinapos niya ang ginagawa kong powerpoint na nakatulugan ko. Saturday nga rin pala ngayon kaya nasa library siya. Unang beses din ito na nag-skipped ako ng theater class.






"You looked so... stressed. What's going on?" he asked.





"I'm just worried about my grades. Kinakabahan din ako sa defense namin sa Monday." Sabay nguya ko ng pearl. "Ang hirap maging grade conscious na tamad, 'no? Tapos hindi ka pa matalino. Buti ka pa, achiever ka. Ako kasi tiga-palakpak lang sa mga kaklase kong umaakyat ng stage, eh." Tawa ko.



Hell week din nila ngayon. Palibhasa kasi ay malapit na ang semester break kaya tinatadtad na nila kami ng gawain. Minsan din ay doon siya sa library namin gumagawa ng schoolworks niya para raw sabay kami.


"I'm here to help you in anything. Don't pressure yourself alone, Myra. You have me."


Napangiti ako ro'n. Huminga na lang ako nang malalim nang isandal ko ang aking sarili sa sofa at sumipsip ng milktea. Habang pinagmamasdan ko rin ang mga tao sa labas, bigla kong naisip si Mama.



The Spotlight of Destiny (A Lover in Paris 1)Where stories live. Discover now