Chapter 37

159 3 0
                                    

Napakunot naman ako sa sinabi niya. Tinanong ko rin kung bakit pero nginitian niya lang ako, parang nang-aasar pa. I had no choice but to put it back in the jacket's pocket. Sinabi ko na rin ang talagang dahilan kung bakit ako nandito para matapos na.





"Wow, the famous Myra Voredel is asking me to eat dinner with her. What an honor it is!" Tawa niya at sinabayan na rin ako ng lakad.







"Ngayon lang 'to! Pang Instagram story mo rin after. Lagay mo 'ko sa highlights mo, ah!" Sinabayan ko na lang din ang kalokohan niya. Alam ko rin namang pagtitripan niya ako kaya inunahan ko na.







Ngumiti lang ito sa'kin at bigla akong hinila nang malapit na kaming makarating sa kanila. Agad akong nagtaka kung bakit kami papunta ro'n samantalang sabi ko sa labas kami kakain.







"Let's just have a dinner here at home," aniya nang bitawan niya rin ako. Nasa tapat na kami ng pintuan nila nang maalala ko ang Mommy niya kaya agad akong tumanggi.







"Sayang naman kung 'di ka kakain dito. Ako pa naman ang nagluto," he proudly said. Well, I won't deny. I know he's really good at cooking.






"Oh, really? Paniguradong may sama ng loob ang ihahain mo sa'kin." Napahalukipkip ako. Magsasalita pa sana siya pabalik nang marinig namin ang boses ni Felicity. Mukhang kanina pa niya hinahanap ang kuya niya para kumain. "I'm home!" sigaw naman ni Niel mula sa labas.








"Kuya! Hindi ka man lang nagpaalam na lalabas ka! Muntik na mamuti mata namin kakahanap at kahihintay sa'yo!"







"Anong namin?! 'Wag ka nga! Nagpaalam ako kay Lolo! Pakibuksan ng pinto, Eli! Salamat!" Katok niya. Mukhang sinaraduhan pa siya ng kapatid niya. Natatawa na lang ako rito sa gilid dahil sa sagutan nila. I really do miss this scenery of them.








Mayamaya lang din ay bumukas na ang pinto saka lang din siya natigil kadadaldal kay Niel nang makita niya rin ako. "Dala ba 'to ng gutom ko kaya ko nakikitang nasa harap ko ngayon si Ate?" She blinked twice.







I just waved and gave her a sweet smile saka sinalubong na niya ako nang mahigpit na yakap. Kamuntikan pa kami matumba. "Ate Myra, I missed you so much!"







It's been years since the last time I hugged her like this. Para akong nalayo sa nakababata kong kapatid noong umalis ako rito. I have a lot of what ifs about us. Like, what if she hates me now for leaving his brother? Because I promised her once that I won't...







"How are you, love?" I caressed her hair.






"I'm good now. I feel like I've been reunited with a long lost family member."






She grew up so beautifully. Mas lalo siyang naging kamukha ng mommy nila. Mas matangkad na rin siya sa akin ng kaunti. She still smell like strawberries kahit noong unang meet namin. Gusto ko pa sana siya chikahin kaya lang pinabalik na siya ulit ni Niel sa loob.







Sumunod na rin naman ako nang makapasok na rin siya. He even smirked at me dahil alam niyang hindi ako makakatanggi lalo kapag nand'yan na si Felicity. Hindi ko na rin natanong kung sino pa ang kasabay namin. Bahala na. Nandito na 'ko. Kung makakasabay ko man ang mommy nila, siguro ayos na lang din. Wala na rin naman kaming relasyon ni Niel.






🩷

Nagpalinga-linga ako sa paligid. May mga kaunting nagbago sa bahay nila. I even saw his graduation picture alongside with Felicity's. Graduated din siya ng architecture. Sakto! I have plans for having my own house. Pwedeng dito sa Pilipinas o sa France. "Lolo's waiting for you, Myra," aniya kaya napatigil ako sa pagtingin-tingin.








The Spotlight of Destiny (A Lover in Paris 1)Место, где живут истории. Откройте их для себя