Chapter 44

152 2 0
                                    

Nang manawa kami sa mga laruan at ibang board games, nakaisip na naman ng panibagong laro 'tong mga 'to. Malapit na mag alas tres pero hindi pa rin sila dinadalaw ng antok.





"Jumbled words! Ako host!" sabi ni Amara sabay kumuha ng papel at ballpen sa desk ko. "Paunahan kayo makarami ng words na mahuhuluan. Iyong may pinakamababang points may dare. Game ba?"





Pumayag kami at sinimulan na ni Amara magsulat. Agad na nahulaan ni Rashyle ang unang word. Sunod naman si Bella hanggang sa nag tuloy-tuloy na ang laro namin.





Humahabol kami ni Erica. Pare-parehas din kaming walang tiwala sa mga dare at mas lalo sa magde-dare kahit lahat naman kami 'yon against sa talo mamaya. "Ang easy naman! Hard level!" sambit ni Rashyle nang makapuntos ulit siya.






"Hilig mo sa hard talaga." Tawa ni Erica. Mahina rin siyang binatukan ni Rashyle. Muli namang nagsulat si Amara at nilapag iyon sa harap namin.





"Come for coffee!" Agad na tinakpan ni Erica ang bibig niya dahil masyadong napalakas ang pagkakasabi niya. Sunod na nakapuntos ay si Bella sabay hampas niya kay Erica ng unan dahil napantayan na niya ang score nito.





"Galing, Bella babe! Next!" Lapag ni Amara ulit.




Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Ouija! Iyong ano! Iyong board game!" Tuwang-tuwa ako nang makapuntos ako ulit. Pantay na kaming tatlo nina Erica at Bella samantalang lamang ng lima sa'min si Rashyle.





"Iyon ba 'yong horror na palabas?" tanong ni Bella na tinanguan ko rin.





"Iyong may letters tapos ginagamitan ng baso. Baso ba 'yon o barya? Tama ba ako?" Halata ring nagdududa si Erica sa sinasabi niya. Rashyle looked at her with so much confusion, a funny looking confused face. "Spirit of the glass yata 'yon," she said.






"Ay, wala bang baso 'yon?" Natatawa na siya. "Gago! Sabi ko nga mali! Sariling horror ko na lang siguro 'yong ouija board na may baso." Tawa niya ng malakas sa kalutangan niya.






"Kakatagay mo 'yan kaya pati ouija board ginagamitan mo ng baso." Tawa rin ni Bella. Sinearch pa namin kung tama ba ang sinasabi nilang dalawa kaya nagsimula kaming magtakutan. Nangununa na si Amara ro'n habang siksik na siksik naman si Rashyle at Erica sa'kin. Hindi nila alam takot din ako.





Nang tignan ni Amara ang oras ay saktong alas tres na kaya mas lalo niyang pinagtawanan ang reaksyon namin. "Tayo ang nagpapatunay na walang multo kapag 3:00 AM na. Kanina pa tayo rito wala namang lumilitaw na kung ano."






Napawi rin naman ang tawa niya at parang may tinitignan sa likuran namin. "Gago!" Umakto siyang natakot kaya napatayo kaming tatlo at lumipat sa pwesto niya.





The Spotlight of Destiny (A Lover in Paris 1)Where stories live. Discover now