Chapter 18

206 21 48
                                    

@jmrchls: Made a new friend today! Thanks for showing me around @mscarlettv 





Iyon agad ang una kong nakita sa IG ko. Naging usap-usapan din iyon sa Twitter. Hindi na rin ako magtataka kung bakit gandang-ganda sila kay Jade kasi kahit ako ay ganoon din.





Comment 1: When kaya makakasama mag kwek-kwek si Myra :(




Comment 2: Gusto ko na lang maging kwek-kwek para mahawakan mo rin ako, Myra :'>




Comment 3: Kung 'di papalarin maging si Myra sa next life, please, gawin niyo na lang po akong si @jmrchls sa next life ko!!!





Natutuwa ako dahil nagustuhan nila si Jade. Gusto ko rin replayan ang bawat isa kaso ang dami nila. Matapos no'n ay balik na naman ako sa paperworks at bukas naman ay taping ulit. Mukhang mapapadalas ako ulit sa set. Kaunti na lang din ay doon na 'ko titira.






🩷

"Single ba 'tong kasama mo sa picture?" tanong sa'kin ni Hans habang iniistalk ang IG profile ni Jade.





"Oo kaso may iba pa ring gusto 'yan kaya huwag ka na umasa. Hanap ka na lang iba, lods."





"Type ko siya pero iba ang gusto ko."





"Swerte naman ng gusto mo, aba!"






"Kaso may iba ring gusto 'yong gusto ko. Bahala na. Suswertihin din naman ako." He grinned. Pinisil niya pa ang pisngi ko bago pumwesto sa scene niya.





It was been a long tiring weekdays kaya naman naisipan kong papuntahin ang mga kaibigan ko rito sa bahay nang sumapit ang Sabado. Nag-painom na rin si Rashyle. Sagot naman namin ni Erica ang foods, si Amara? Ayun, nagsasagot pa rin ng mga schoolworks niya.






Umiinom habang nag-aaral, ang galing! Parang hindi niya na rin kaylangan pang uminom ng alak kasi kung titignan ang inaaral niya, parang malalasing ka na rin. Nakakahilo. "Wala akong maintindihan," sabi ko habang tinitignan ko ang mga ginagawa niya sa laptop niya.







"Ako rin." Tawa niya. "Parang gusto ko na lang maging pasyente."





"Baka naman hindi mo hanapin ugat namin kapag tuturukan mo kami, ah? Mamaya may tinatago kang sama ng loob sa'min ta's ibabawi mo sa injection. Magsabi ka na ngayon para mapag-usapan natin 'yan." singit ni Rashyle.





"Siraulo ka talaga. Pero salamat dahil nagkaroon ako ng idea." Tawa rin ni Amara."Kung tuturukan ko rin man kayo, hindi na dugo makukuha ko, eh. Alak sa inyong dalawa ni Erica. Iyan na mga dumadaloy sa katawan niyo, eh."






"Alak sa'min tapos milktea naman kay Myra." Tawa ni Rashyle nang iabot niya na rin ang shot glass kay Erica.





"Hoy, kaka-shot ko lang, ah? Ako na naman? Gago, dinadaya mo 'ko, ah!"





"Sira, tama lang 'yong ikot ng baso!"




"Apat na lang tayo rito. 'Wag na tayo maglokohan."




"Mas marunong ka pa sa tanggera, pota ka."





Ininom na lang iyon ni Erica. Mayamaya'y nagpatugtog na lang din si Amara dahil hindi na niya kinaya. "Tutuloy ko na lang 'to bukas. Baka mabasag bungo ko ngayon, eh." Kinuha niya na rin ang baso kay Erica at uminom na ulit.




The Spotlight of Destiny (A Lover in Paris 1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن