Chapter 25

172 14 0
                                    

Nagpahatid ako saglit sa school kay Niel dahil may isasaoli rin akong libro sa library. Weekends naman kaya bukas siya hanggang 8 p.m. I was walking down the hallway when I saw a familiar face. Mukhang gulat din siyang makita ako ng ganitong oras sa school. "Myra, what brings you here? It's already 7:30." She still sounds very sweet.








Akala mo nakikipagusap ka sa anghel kapag kaharap mo siya. No wonder siya ang napiling ipagkasundo kay Niel. They maybe look so good together.







"May ibabalik lang ako. Ikaw? Pauwi ka na ba?"







"Oo, e. I can't stay late here na because I have a family dinner to attend pa. Gusto mo sabay na tayo umuwi? I'll wait for you here na lang downstairs."







Pilit ko na lang siyang nginitian habang umiiling ako. She'll be having a family dinner with my boyfriend or should I say her fiancé, her soon to be...








Habang nakatingin ako sa kanya ay para akong sinasaksak ng ilang beses. Bigla na lang din ako lumapit sa kanya at yumakap. "Myra, are you okay? What's wrong?" Hagod niya sa likod ko. I shed tears again. Agad ko rin naman 'yon pinunasan nang makabitaw ako sa kanya.








I forced a smile before leaving her downstairs. Naghanap na rin ako ng mauupuan sa pinakadulo ng library pagkatapos kong isaoli 'yong librong hiniram ko. I rested my head on the table while the waters in my eyes keep flowing.







It's getting harder for me to breathe now. I think this is the time I should let go. Alam kong hindi ko kaya pero kaylangan kong gawin. Hindi ko tanggap pero wala akong magawa. Masakit... sobrang sakit na gusto mo pa pero hindi na pwede... hindi talaga pwede...








"Ang hina-hina ko..." bulong ko sa aking sarili habang napapakuyom ang aking mga palad. Hinayaan ko na lang din ang aking sariling umiyak hanggang sa wala na lang ding luhang mailabas at antukin ako. Unti-unti na lang din akong napapapikit sa dami ng iniisip ko. "Bahala na, Myra..."






🩷

Nagising na lamang ako nang may tumapik sa'kin. Nang iangat ko ang ulo ko'y nakita ko sina Sky at Bella kasama ang librarian, pinapauwi na kami. Kanina pa rin pala sila narito at hindi ko lang napansin. Sila na rin ang kasama ko maglakad pauwi.






Panay din ang tawag ni Niel na ni isang beses ay hindi ko sinagot ngayon. I was just staring at it while my sights were getting blurry again. I don't think I can speak with him now.







"Bakit ayaw mong sagutin? For sure he needs you." Napansin iyon ni Bella. Napailing-iling na lamang ako nang patayin ko ulit ang tawag.






"Hindi pwede, Bella. Kung may dapat man siyang kaylanganin na tao, hindi ako 'yon. Hindi dapat ako 'yon."







"Ano na balak mo? Balak niyong dalawa?"






Napayuko na lang ako ulit. Alam kong mahirap pero iyon na lang ang tangi kong naiisip. "We need to break up." I bit my tongue. Kahit dila ko ay hindi rin tanggap ang sinabi kong 'yon. Napatigil lang din ako sa paglalakad nang tumigil din sina Bella at Sky saka ako hinarap. "Are you serious about that? Can you hear yourself?" She almost raised her voice at me.







Tumango na lamang ako habang pinipigilan ang mga nagbabadya kong luha. "May nakikita ka pa bang ibang option?" I looked straight to her eyes. Kita ko rin sa mukha niyang hindi niya rin tanggap ang sinabi ko.








The Spotlight of Destiny (A Lover in Paris 1)Where stories live. Discover now