Chapter 13

271 34 84
                                    

Pagkatapos ng masayang bakasyon ay balik kami ulit sa dati. Schoolworks dito, schoolworks doon. Habang tumatagal ay mas lalo kami nagiging busy. Minsan na lang din kami magkitang apat, gano'n din kami ni Niel. Naiintindihan ko naman na kaylangan nilang mag-focus. Hindi ko rin naman ikakamatay kung hindi muna kami magkikita. Importanteng bagay din naman ang ginagawa niya.








Halos dito na lang din kaming lahat tumira sa school dahil sa sunod-sunod na mga ginagawa. Kahit may event ay hindi rin kami nakakapag-pahinga. Ngayon ay kaylangan naman namin mag-handa para sa foundation week. Isasabay pa sa paparating na Valentine's Day. Minsan gusto ko na lang maging elementary ulit dahil sa dami ng gawain. Buti nga at hindi sumasabay ang theater class ko.







🩷

"Is your voice ready, Voredel?" Tapik sa akin ni Sir Castillo. Nakasilip ako mula rito sa likod ng mga naglalakihang kurtina. Marami na kaming napuntahang lugar at ilang beses na rin kami nakapag-presenta sa maraming tao pero ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Sobrang daming tao at parang buong kwarto ay punong-puno.








Hirap pa akong tumango kay Sir Castillo dahil parang hindi ako sigurado kung kakayanin ko bang lumabas do'n. Bumalik na lang muna ako sa dressing room upang pakalmahin ang sarili. Wala akong ibang kasama rito maliban sa mga kasamahan ko sa theater class.






Amara Maevis Eustmond:
"Manonood si papa jan. Magli-live daw siya sa fb para mapanood naming tatlo mamaya. I'm sorry, loves. I really need to finish my thesis :<"






Rashyle Lavender Guevarra:
"Good luck, love! We will find ways
to watch you act. See you so soon.
Date tayo pag-uwi mo, ha? I love you!"







Erica Beverly Young:
"Somewhere in the crowd, there's me ;)"






Lumiwanag agad ang mga mata ko sa message sa'kin ni Erica. Dali-dali akong lumabas ulit at sumilip at hindi nga siya nagbibiro. Nandito nga siya! Nang magtama ang paningin namin ay agad siyang kumaway. Nag-thumbs up pa ito at nag-flying kiss bago umupo.






Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko siya ro'n. Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko nang makatanggap rin ako ng message mula kay Niel. Hindi na sobra ang kaba ko. Nagtuloy-tuloy na 'yon hanggang sa matapos ang theater play namin.







🩷

Bawal na naman ako kumain o uminom dahil katatapos ko lang kumanta. Ang ginawa ko na lang ay pinuntahan si Erica. Kaylangan lang para hindi ko maisip na gutom na 'ko. Baka kasi hindi ako makapagpigil at bigla na lang ako uminom ng tubig. Masira ko pa boses ko.






Bumalik din naman ako agad sa dressing room matapos ang isang oras kong pahinga sa lalamunan ko. Patapos na rin ako kumain nang biglang tumawag si Niel. Dali-dali akong lumabas para walang makarinig sa usapan namin. Ayaw ko rin namang sumagot ng tawag sa maraming tao.







[Niel: How are you, baby?] Tunog bagong gising pa siya. Music to my ears!





"All good. Tapos na rin ang play namin. Mayamaya ay uuwi na rin kami."





[Niel: I'm sorry I didn't make it.]






"There's always a next time." Napangiti na lang ako. Hindi naman ako nagtatampo o ano dahil naiintindihan ko siya. Sa tono rin ng pananalita niya ay parang hindi siya okay... "Hey, uhm... milktea tayo."







The Spotlight of Destiny (A Lover in Paris 1)Where stories live. Discover now