Chapter 36

150 4 0
                                    

"Stop! I'm awake!" sigaw ko mula sa terrace para patigilin si David na bumubusina sa tapat ng bahay ko. Pinakyuhan ko siya agad nang makita kong nakababa na siya. Gano'n din naman ang ginawa niya. Pinatuloy ko na siya sa sala at hinayaang maghintay muna doon habang inaayos ko ang sarili ko.







Nagbilin kasi ako sa kanya kagabi bago ako pumunta sa party ni Erica na kapag hindi ako nagising ng maaga ay sunduin niya na ako sa bahay para pumuntang set. Kung late man ako, at least may kasama ako. That's what friends are for. Kung late ako, dapat siya rin!







"Napakabagal, Scarletta. Plus rapide. Nous allons être en retard!" Rinig kong reklamo niya sa baba habang nag-aayos ako. Nag half bath na lang din ako para mabilis. I just put my hair in bun, casual clothes and a pair of wedges. Kaylangan ko pa rin naman pagmukhaing tao ang sarili ko.







🩷

May 5 minutes pang natitira bago kami ma-late nang makarating na rin kami sa set. Hindi pa naman nagsisimula kaya nagkaroon pa ako ng kaunting oras para basahin ang bagong script ko.




Binabasa ko nga kaya lang wala akong maintindihan. Parang sumasayaw pa ang ibang words sa paningin ko. Nang hindi ko na makayanan ay inihiga ko na lang ang ulo ko sa vanity table.







"Seryoso ka bang limang kape ang pinabibili mo sa'kin?" sabi ni David nang makabalik na rin siya. Saka ko lang din naitungo ang ulo at nakita ko siyang may hawak na dalawang coffee holder. Tinanguan ko lang ang tanong niya saka umayos na ng upo nang kunin ko rin ang tatlo sa kanya.







"Iyong dalawa sa'yo. Keep the change."







"Kung gusto mo mag-palpitate, 'wag mo 'ko idamay."






"Akala ko ba magkaibigan tayo rito? Buti nga dalawa lang 'yan."







"Sabagay... Kahit naman siguro sabay tayo, hindi pa rin tayo magkikita sa next life." Saka siya sumimsim sa kape niya. "Sa langit kasi ako tapos sa baba ka." Tawa niya pa.







"Ban ka rin do'n, tanga. Kapag ikaw kinick-out doon, ako magwe-welcome sa'yo sa baba."






"Hindi ka ba natatakot na baka palitan kita?"






"Hindi ka rin ba natatakot na pasuin kita nito?" Angat ko sa kape ko. Kaya lang bago pa siya maka-rebat ulit ay nagsunod-sunod ang tunog ng phone ko kaya agad ko iyon tinignan. It was from my Mom. Nang buksan ko na ang phone ko ay nasa isang contact at convo na agad ako pero hindi kay Mama.







Nag back-read pa ako sa huling text. Napansin ko rin naman agad ang pending na text na nakatype doon. Napasapo na lang ako sa noo ko nang mabasa ko 'yon. I was about to erase it when I accidentally clicked the send button. Parang nawala saglit ang hangover ko nang makita kong nag-reply din siya.








From: My Dear Love ♥
"Hahahahaha gago"






Agad kong kinuha ang unan na nasa likuran ni David at sumigaw doon. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan ko. Takang-taka naman ang itsura ni David nang tignan ako. "Ginago ako!" sambit ko sa kanya, maiiyak na habang natatawa.






"Ano na namang nangyayari sa'yo?"




Hindi ko siya sinagot at sumigaw na lang ulit sa unan. Pinakita ko pa kay David 'yon. Binalik niya rin naman agad sa'kin 'yong phone nang makita niyang tumatawag na si Mama.




The Spotlight of Destiny (A Lover in Paris 1)Where stories live. Discover now