Chapter 3

520 69 431
                                    

"Detention! Both of you, ladies," Mr. Montablan ordered.




"What?!"





Nandito kami ngayon sa Guidance Office at kanina pa kami minimisahan ni Mr. Montablan dahil sa nangyari noong prom namin no'ng biyernes. "What?! No. You can't do that, Mr. Montablan," angal ni Darlene.






"Yes I can, Ms. Brooks."




Napahilamos ito ng mukha. "It was just a damn girl fight." Matigas talaga ang sikmura nitong kasama ko. Hindi na rin nakakapagtaka kung bakit hindi talaga kami magkakasundo.





"A girl fight? From one of the students of Academy of Technology and Performing Arts? Hindi ba nakakahiya 'yon?" He raised his eyebrow. "How about you, Ms. Voredel? Ganyan ba talaga kapag mga anak ng mayayaman? My goodness! 'Wag niyo dalhin ang pagiging spoiled brata niyo rito." Napahawak na lang sa sintido si Mr. Montablan.






"Excuse me, Sir? I know how to be contented for what I have. You can't just level me like that without knowing my background." I defended myself.






"Don't humble yourself, Myra. Don't play angel here. Everyone saw how you stepped on my gown!"





"Buti nga hindi ko pa 'yon pinunit."






"Stop it! I don't want you to argue in front of me in my office. Two hours of detention! Now!" Turo ni Mr. Montablan sa pintuan.






Sinamaan ako ni Darlene nang tingin nang makalabas kami at tuluyan na ring nawala sa paningin ko nang magtungo siya sa restroom. Sana magtuloy-tuloy na dahil naaasiwa ako sa pagmumukha niya. Hindi naman kalayuan ang Guidance Office at Detention Room kaya narating ko ito agad.





Ano ba kasing gagawin ko rito sa loob ng dalawang oras? Kaya ko rin namang tumunganga sa classroom. Wala rin namang pinagkaiba dito. Pipihitin ko na sana ang doorknob ngunit napatigil ako nang may marinig akong kumakanta sa loob. Pinakinggan ko iyon at tunog pamilyar sa'kin. Mayroon na agad akong ideya kung sino 'yon. Mukhang makakasama ko pa yata siya sa loob.






Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at tama nga ang hula ko. Hindi lang siguro mundo ang maliit kundi pati na rin ang school namin. Siguro, kaylangan ko na sanayin ang sarili ko na madalas ko na talaga siyang makikita rito.





Inilapag ko ang aking bag sa isang armchair na malapit lang din sa akin. Nakapatong din ang dalawa niyang paa sa mesa at mukhang busy siya sa concert niya ngayon kaya hindi niya ako napansin. Isinara ko na lang ang pinto at hindi ko naman sinasadya na mabagsak ito.





Agad akong napapikit dahil sa hiya. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at nagulat ako nang makita kong nasa harapan ko na siya. "Excuse me, I need to go to the bathroom," seryoso nitong sambit. Mukhang wala siya sa mood.





"Oh, I'm sorry." Dali-dali akong gumilid at pinadaan siya. Binagsak niya rin ang pinto kaya napapikit ako ulit. Hindi ko na lang iyon pinansin saka ako naupo malapit sa may bintana at nagmuni-muni.





Mayamaya lang din ay nakabalik na siya at umupo na rin sa tabi ko. Muli niyang ipinatong ang mga paa niya sa mesa ng arm chair na nasa harapan niya saka isinandal ang sarili.





"Music?" Inabot niya sa'kin ang isang pair ng earphones. Nginitian ko siya saka ko iyon ipinasak sa isang tainga ko. Hindi ko na iyon tinanggihan dahil kaylangan ko ring pakalmahin ang sarili ko sa inis.





The Spotlight of Destiny (A Lover in Paris 1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz