Chapter 22

209 17 12
                                    

Walang araw na hindi ako gumising ng wala ang issue na 'yon. There were certain days that I'm avoiding my phone just to have some inner peace pero kahit saan ako magpunta, iyon at iyon pa rin ang usapin. Kulang na lang din ay ibalot ko ang buong sarili ko sa tuwing lalabas ako para lang hindi na nila ako guluhin pa.


Niel and I also unwind for a while. We barely see each other for now, again. Minsan ay madaling araw na lang kami nagkikita. Ganoong oras na lang kami malaya, eh. I know I don't have to hide anything. I just don't want him to be involve in these shits anymore.





🩷

Sinamahan ako ni Mrs. Flores pumunta sa agency namin. Ngayon na lang din ako nagkaroon ng lakas ng loob na humarap sa kanila. I'm not here to apologize but to inform them that I'm leaving. Matagal ko ring pinag-isipang gawin 'to and I need to...






"Kinakabahan ka ba, 'nak?" tanong sa'kin ni Mrs. Flores. Ang tagal ko kasing nakahawak sa handle ng pintuan dahil sa kaba.






"Hindi ko naman po pagsisisihan ang pag-alis ko, 'di ba?"





"Ipapangako kong hindi at wala. Besides, it's not just you who's leaving. I am, too. This is the first step for us."


Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Ngumiti naman siya nang tignan niya rin ako pabalik. "We can start anew, Myra. Maraming iba r'yan na kaya kang alagaan, iyong hindi hahayaang masira ka. Your dreams will continue. There's so much in you. Huwag mong hayaang masayang 'yon dahil lang sa mga opinyon ng tao. Keep dreaming, okay?" She squeezed my hand a bit.


Napatango-tango na lamang ako. Hindi man kami palaging nag-uusap o nagkakasama, pero isang tawag ko lang sa kanya ay dumadating siya agad. Without her and Sir Castillo, I wouldn't be able to have these kinds of opportunities and I will be forever grateful for that.



"Go. Do what you must. Nandito lang ako sa likod mo." She patted my shoulders before I left the car. Malapit na ako sa building ng unti-unting dumagsa ang mga tao sa harapan ko. They still keep asking questions I'm not comfortable answering. Nang makapasok ako ay agad akong dumiretso sa manager ko, telling him I quit.



"You can't just resign on this agency like that, Ms. Voredel. Hindi pa nga tapos ang kontrata mo rito."



"Baka mas mauna pa po akong matapos kaysa sa kontrata ko." Kinuha ko ang palad niya para ilagay ang resignation letter ko. "I can't stay here any longer. I'm sorry." This place, these people are slowly getting into my nerves everyday, slowly swallowing me whole. Unti-unti nila akong inuubos...




"Is this how you handle your showbiz issues, my dear?" He sarcastically smiled.



"Is this how you take care of your agency? Is this how you manage? Letting people drown, letting their career control them? What kind of a manager are you? And what kind of management or agency is this?"

The Spotlight of Destiny (A Lover in Paris 1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt