Chapter 27

197 15 0
                                    

His message was the first notification that popped out on my screen but I left it unread. Everything was blurry in my sight. I wanted to reply but I chose to ignored it instead. I'll start moving on kahit hindi ako sigurado kung kaya ko ba talaga siyang kalimutan... Hindi ko na sigurado ang lahat sa amin...






I spent the night getting myself drunk until I fell asleep. Alas tres ng hapon pa naman ang simula ng graduation namin kaya may oras pa akong ayusan ang sarili ko kasama si Erica kinabukasan kahit nawawalan ako ng gana. Parang gusto ko na lang matulog buong araw.




🩷


"If we can shine together, we can shine on our own, too." I stared at the song plaque with our graduation picture together taken by Felicity during our high school days. Naalis ko lamang ang tingin ko ro'n nang marinig ko ang sasakyan ni Amara sa baba.



She picked us up and drove our way to our graduation venue. So far, I can manage my hangovers na kaya hindi na 'ko masyadong bangag. I tried my best to smile for this day. I kept myself distracted. Nakikisalamuha ako sa lahat ng kilala ko para makangiti ako. But at some time, hindi ko maiwasang hindi mapabusangot bigla.








"Smile, baby!" Umakbay sa'kin si Erica nang pindutin niya ang phone niya. Nang matapos kaming mag-picture ay agad ring natanggal ang peke kong ngiti.





"Hey, lilipas din ang lahat ng 'to, Myra. Pangako 'yan." She cupped my face. Naramdaman ko ring yumakap mula sa likod ko si Amara. "I am so proud of you two!" We group hugged. We took another picture para isend kay Rashyle. Tinawagan na rin namin siya.







"Omg! Congrats, our babies!" Rashyle exclaimed on the other line, holding a champagne. "Cheers to our favorite model and actress!"




Nagsimula na rin kaming mag-chikahan. Kapag sila talaga ang kasama ko ay parang wala akong problema sa buhay. Sana ganito na lang palagi...



🩷

I excused myself for a while when my Mom called to congratulate me. I almost teared up when I heard her saying she's proud of me. Ngayon ko na lang din siya nakausap nang matagal. Hindi na mahalaga kung nakita niya man ang mga ginawa ko rito. Sapat na sa'king marinig ko ang mga salitang 'yon mula sa kanya.






Pabalik na sana ako sa loob nang bigla akong tawagin ni Dylan. Hindi na rin naman nakakapagtaka kung bakit siya narito maliban na lang sa ekspresyon ng mukha niya na parang dismaya. "Kanina pa kita hinahanap," panimula niya.





"Bakit naman ako ang hinahanap mo? Nasa loob si—"





"I have news for you and you need to get yourself ready. Huwag ka sana mag-panic agad." Putol niya sa'kin kaya napakunot ang noo ko. Hindi ko pa naririnig ang sasabihin niya pero kinakabahan na ako agad. Biglang pumangit ang pakiramdam ko.

The Spotlight of Destiny (A Lover in Paris 1)Where stories live. Discover now