Chapter 32

156 2 0
                                    

Mahina kong inihagis sa kanya ang phone niya saka ako nahiga ulit. Hindi ko alam kung makakatulog ba 'ko nang maayos dito ngayon knowing he's around.






"It's not my fault their hotel is the nearest one at the airport. Saka ayaw mo no'n? May dahilan ka pang mag-stay dito kung gusto mo. Alam ko namang namimiss mo rin ex mo. Marupok ka, oy!" asar niya pa.







"Manahimik ka nga, David Lazarus. Ang bait ng pangalan mo pero ang sama ng lumalabas sa bibig mo."






"Talaga ba, Scarletta?" And now he started calling me the annoying nickname he gave. Siya lang katangi-tanging tumatawag no'n hanggang sa gumaya na rin ang mga kasama namin sa set. I tried thinking of another happy thoughts just to get rid of him out of my mind, to get rid of what happened lately.







Napansin ko rin namang nakatingin sa'kin 'yong bata kaya nginitian ko ito. "Anak mo ba siya?" tanong ko sa kanya nang ibaba niya rin ang phone niya saka niya tinignan 'yong bata. "Nope. Kapatid ko 'to." Inayos niya ito nang pagkakakandong sa kanya.







"Hi! What's your name?" Dumapa ako at ngumiti sa kanya.






"My name is Dwayne Lorenzo Herran po," mahina niyang sambit habang nilalaro ang mga daliri at umiiwas ng tingin sa'kin. Saka ko napansin ulit ang bukol niya na kahit papaano ay mukhang umimpis naman na. Binato ko si David ng unan nang maalala ko ang nangyari sa kapatid niya kanina.








"Ikaw na kuya ka, hindi mo binabantayan ng maayos 'tong kapatid mo. Nauntog siya sa maleta ko!"







"It wasn't my fault he got that." Turo nito sa noo ni Dwayne. "I told him to wait for me dahil inaayos ko pa ang mga gamit niya. Paglingon ko, wala na siya sa higaan. Kapag hindi ka talaga nakinig, madidisgrasya ka. Réprimander l'enfant." Mahina niyang kinurot ang ilong nito.








"Je suis désolé! Je suis désolé... je voulais juste rentrer à la maison déjà. Je veux déjà voir maman. Je ne peux pas attendre..." Dwayne spoke in french habang inaalis ang kamay ni David sa ilong niya.







"Pourquoi? Où est ta maman?"






"She died two years ago po. I only live with Kuya's mom na lang po and Daddy," sagot niya sa'kin at hindi pa rin ako tinitignan. Nilingon ko naman si David para tanungin kung anong ibig sabihin niya sa huling sinabi niya.







"Stepbrother ko," David mouthed. Napatango-tango na lang din ako. Gusto ko sana siyang yakapin kaya lang ayaw niya talagang bumitaw sa kuya niya.






"How's your head, Dwayne?" tanong ko ulit. He just gave a smile and a thumbs up. "Nasaan ka ba kanina? Hindi mo binabantayan maigi. Nabukol tuloy." I glared at David.







"Paparazzis were outside kaya ayaw ko munang lumabas kaya sabi ko rin kay Dwayne ay maghintay muna. I was fixing his stuffs when I noticed he wasn't in the room anymore. I had no choice but to follow him outside. Hindi ko siya nahabol agad dahil dumumog ang mga tao. Hangga't maaari ay iniiwas ko siya sa ganoon. Ayoko siyang ma-expose sa camera. Mahirap na."








Tumango-tango ako. Naiintindihan ko rin naman siya. Some things suddenly flashed backs after I heard those from him. Hangga't maaari rin ay ayaw kong maranasan niya ang dinanas ko noon. Kung kinaya ko, hindi ko sigurado kay David. Magkaiba kami.







I remembered what Bella told me before that some artists died because of other people, or even because of their career. David Lazarus Herran, he's the first ever friend I had since I lived in France and I don't think I can afford seeing him suffered like that too.






The Spotlight of Destiny (A Lover in Paris 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon