Chapter 20

230 17 26
                                    

I used my last card. I stepped on his foot and finally he released me. Agad akong tumakbo papasok ng school at dumiretso ng library. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya. Habol-habol ko pa rin ang hininga ko habang napapatulala ako sa isang tabi.




I was still... shocked. Paulit-ulit kong naririnig ang binulong niya sa'kin kanina. Paulit-ulit din sa utak ko ang nangyari kanina and it still giving me shivers. Si Mama ang unang pumasok sa isip ko na lapitan. I'm not even sure if she will believe me. Isa pa, kaibigan niya ang mama ni Hans. Sino ang mas papaniwalaan niya sa aming dalawa?





I'm hoping...




I called her many times but she wasn't answering. I'm hoping to hear a "hello" pero "cannot be reach" lang ang paulit-ulit kong naririnig. I just covered my mouth and let myself break down. Hindi ko na kaya. Para akong sasabog.





Ma, kaylangan kita.





🩷

Hindi na ako nakagawa ng schoolworks dahil naisipan ko na lang umuwi. Wala akong ganang kumain pero sinabayan ko pa rin ang mga kasambahay namin dahil ayaw kong masayang ang inihanda nilang dinner para sa'kin. Bumeso na rin ako sa kanila bago ako dumiretso ng kwarto.




# 1 HaRa
#2 Eunice and Noah
#3 Making Out



Iyan ang mga bumungad sa akin nang buksan ko ang Twitter ko. Hindi lang din litrato, kundi video mismo ang naka-post.




Tweet 1: Inggit na inggit na talaga ako. Masarap ba? @mscarlettv




Tweet 2: Hala, mukbang in public HAHAHAHA





Tweet 3: Mukhang magaling 'to, pre! Jackpot ka yata hahahahaha



Tweet 4: Damn, bro. Get a room right now hahahahaha





Nakakadiri... kinikilabutan ako... Hindi ko maiwasang maluha habang binabasa ko ang mga replies nila. I throw my phone away. I'm slowly getting down on my knees. There were no words coming out but tears. Niyakap ko na lang ang tuhod ko nang isandal ko ang ulo ko sa pinto. Binabalot ako ng pandidiri sa sarili ko at takot... Nakakagalit lahat.





Nagri-ring ang phone ko pero hindi ko iyon magawang hawakan. Hindi ko na alam kung kaya ko pa bang kumausap ng kahit sino, kung kaya ko pa bang humarap sa kanila. Wala akong maisip na iba maliban sa mga nangyayari ngayon. It was draining me... I never wanted that to happened. I was harassed.





Naisipan kong tawagan ang manager ko at hindi na ako nagdalawang-isip na sabihin ang nangyari and I was hoping he'll be on my side. He said he saw the viral tweet and he agreed to the netizens replies. Mas naniniwala siya kay Hans na ginusto ko iyon dahil boyfriend ko naman daw siya.






[Manager Cello: Myra, I love your acting skills, okay? But please, don't use it to drag people down because of your scandals and dramas. Besides, that thing on couples are normal. It can happen in love teams. Be private next time to avoid issues. Now, if you don't mind, sweetie. I have stuffs to do.] And he ended the call.





"Fuck..." Muli kong inihagis ang phone ko saka yumakap na lang ng unan. Hindi ko na alam ang mangyayari sa akin sa mga susunod na araw. Bigla kong ginusto maglaho...





🩷

"Look, we support you on your career but you just exposed our school, Ms. Voredel." Napahampas na lang sa table ang Dean namin.




The Spotlight of Destiny (A Lover in Paris 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant