Chapter 15

242 25 76
                                    

"Nice to meet you, my dear. I'm a casting agent and our agency is still looking for someone who'll be a perfect fit for the role for our upcoming movie. I've already watched your theater plays on social medias. I noticed that I'm not the only one who got amazed by your acting skills."



Saktong katatapos lang ng NCII class namin nang tawagin ako ni Sir Castillo at ipinakilala sa'kin si Mrs. Aramina Flores. Halos mabusog din ang tainga ko sa huling sinabi niya. Inaantok ako ngayon pero no'ng narinig ko 'yon ay parang buong diwa ko ay nabuhay.


"Thank you po, ma'am." Hindi ko pa rin maiwasan mahiya.





"So, uhm, I'm here to ask you about your information and to ask permission if it's okay if I can invite you for an audition. I'll help you with it. Ipapakilala na rin kita sa director  namin."





"I'll be honored po!" Hindi na ako nagdalawang-isip pa at tinanggap ko ang offer niya. Mukha lang akong kalmado sa panlabas pero 'yong puso ko ay nagtatatalon na sa tuwa. Ganitong-ganito rin ang naramdaman ko noong inimbitahan ako ni Sir Castillo sa theater class niya.






🩷

Sabado nang pumunta ako sa agency nila kasama si Sir Castillo ulit. Halos hindi ako makapagsalita dahil sa mga nakikita kong preparations nila for their upcoming movie. Nakilala ko na rin ang director nila at sa araw na rin na 'yon ay nag-audition na rin ako. The director wanted to see if I really fit for the role.




🩷

Ilang araw ang lumipas bago ako makatanggap ng tawag mula sa agency nila na pasok na 'ko at may gagampanan na 'ko. Parang kumpleto na yata ang buong taon ko dahil dito. Ayaw kong sayangin lahat. Opportunities na ang lumalapit sa'kin.





Lahat ay bago sa'kin. Hindi ko rin maiwasang hindi mapanganga sa mga kasama kong artista tuwing umaarte sila. Hindi rin ako makapaniwalang may mga kasama akong sikat ngayon.



Habang tumatagal ako rito ay nasasanay na rin ako. They even engaged me to do some commercials. Kahit na matagal na ako rito ay lagi pa rin akong kinakabahan sa lahat ng gagawin ko.


🩷

"And cut!" sabi ng director namin nang matapos namin ang isang scene kung saan kasama ako. "You all did well tonight! Kaunting kembot na lang at matatapos na tayo. Soon, we will be releasing the movie posters!"






Everyone was so excited to finish the movie. Iyon din ang naging usapan nila sa dinner namin. Tahimik lang ako sa gilid habang malalim ang iniisip nang biglang may yumakap sa'kin. It was the cheerful Bella. Nagulat pa ako nang makita kong kasama niya rin si Erica. "I'm so happy for you both! Friendship goals kayo, ha," ani Bella habang hinihiwa ang steak niya.



Naikuwento rin sa'kin ni Erica kung paano siya napadpad dito. Kinuha rin pala siya ni Mrs. Flores bilang isa sa mga model ng clothing company nila. Sabagay, may potential talaga si Erica sa modeling. Magaling din 'to sa camera, madalas ding sumasali sa mga school pageants. Her angelic face, sweet smile, a body perfect for a model, who wouldn't notice Erica Young?

The Spotlight of Destiny (A Lover in Paris 1)Where stories live. Discover now