Chapter 14

247 32 81
                                    

After kong makatawagan si Niel ay sunod ko namang tinawagan si Mama. Nangamusta lang ako. Pinaalam ko na rin sa kanya ang tungkol sa theater class ko at wala naman siyang masyadong sinabi.



Hindi ko alam kung okay lang ba sa kanya o ayaw niya kaya hindi na lang din ako nagsalita. Iniba ko na lang din ang usapan. I told her about my grades at wala rin naman siya masyadong sinabi. Ang sabi niya lang ay keep it up. Ibig sabihin ba no'n ay satisfied siya sa grades ko?







"Bakit wala pa si Rashyle?" tanong ni Amara habang palinga-linga sa paligid.



"Hahabol na lang daw siya," sagot ni Erica. Mag-iisang oras na kami rito sa coffee shop nang biglang dumating si Rashyle. Pansin ko ring namumula ang mga mata niya at mukhang kulang na kulang sa tulog. Agad niya ring binuksan ang laptop niya at matagal siyang nakatitig doon.







"Umiyak ka?" tanong ko nang isara niya ulit ang laptop niya. Napailing-iling na lang siya saka sumimsim ng kape na pinasuyo niya sa'kin kanina.



"Hindi. Sino namang iiyakan ko?"



"Sino nga ba?" I shrugged.




"Oo nga pala, may sasabihin ako, mga kapepe. Aalis na 'ko ng Pilipinas ngayong summer," pagiiba niya ng usapan.





"Polluted na sa impyerno. Hindi ka na kaylangan doon. Huwag mo muna ako iwan," sabi ni Erica.


"Gaga. Hindi rin naman ako bababa ro'n kung hindi kita kasama." Sumimsim siya muli ng kape niya. "Ang ibig kong sabihin, aalis na 'ko ng Pilipinas dahil kinukuha ako ng Mama ko. Sa France na 'ko mag-aaral." She sighed heavily.






"Huh? Bakit naman doon? Bakit ikaw lang? Paano ang mga kapatid mo rito? Paano kami?" Kulang na lang ay mag-protesta si Erica.






"May magandang offer doon ng scholarship para sa'kin. Ayoko namang sayangin 'yon. Iyong mga kapatid ko ay iiwan muna sa Tita ko rito. Hindi ko rin naman kayo kakalimutan, 'no. Hanap ko pa kayo french boylet doon, eh." Sabay tawa ni Rashyle.





"French boylet na magaling mag-french kiss. Bet." Sinabayan naman siya ni Amara. "Pero seryoso, hindi ka namin makakasama ngayong summer?"






"Katapusan pa naman ako ng summer aalis. Makaka-hunting pa tayo ng chupapi sa cottage sa swimming natin soon."




"Sumbong ko kayo, ah," biro ni Erica. At nagsimula na naman kami mag-asaran. Hindi ko alam kung bakit kahit tumatawa ako ngayon ay may kirot akong nararamdaman. Kaya ko ba na kulang kami? Ito pa nga lang na hiwalay kami ng school, nahihirapan ako minsan. Para akong nangungulila lagi sa kanilang dalawa ni Amara.



"Gagi, joke lang, eh." Mahinang hila niya sa dulo ng buhok ni Erica. "Hindi pa nga ako sigurado kung tutuloy ba 'ko ro'n. I mean, ayaw kong sayangin 'yong naghihintay sa'kin doon at the same time, kaya ko bang wala kayo sa tabi ko? Kaylan tayo magkikita ulit? Ang hirap ng malayo." Inihiga niya ang ulo niya sa balikat ko.



The Spotlight of Destiny (A Lover in Paris 1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt