Chapter 28

243 13 5
                                    

Paalis na ako nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa'kin sina Felicity at ang mom niya. Napaatras ako agad at hindi malaman kung ano ang unang gagawin. She looked so irritated when she saw me. Pati si Felicity ay gulat din nang makita akong nandito. Mukhang nag-aalangan din siyang lumapit sa'kin.







"I thought we talked about this, Myra?"





I was about to explain when Bella appeared, saying she invited me to come see Niel for a while. Sinabayan rin naman ni Felicity ang ginawa niyang alibi. She secretly held my hand from behind ourselves.






"This will be the last time I'll be seeing you with my son. I don't wanna hear any more issues about you being with him. I won't let my son suffer under the stupid spotlight again. Tapos na kami r'yan. Huwag mo na ulitin." mariin niyang sabi.




"Y-yes, ma'am." Napayuko na lamang ako sa hiya at sa mga narinig ko. Nagpaalam na ako na mauuna na bago pa siya makapagbitaw ulit ng mga salita. Narinig kong tinawag pa ako ni Bella kaya binilisan ko ang paglalakad para hindi na niya 'ko maabutan.



Hindi rin ako umuwi agad saka dumiretso sa malapit na bar na alam ko. Hindi naman ako mukhang student ngayon kaya nakapasok ako agad. I didn't even know where I left my toga. Sinimulan ko nang lasingin ang sarili ko. Panay tunog din ng phone ko kaya pinatay ko na lang. Panigurado ay mga kaibigan ko lang 'yon.







Naka-shut down na lang 'yon ulit at parang ang sarili ko ay gano'n na rin. I can't even think straight anymore. All I want right now is to forget everything. I badly wanted this pain to stop. I wanted to disappear for a while just to escape these shits happening to me... to us. Hindi ko na kaya...






🩷

It was almost 1 a.m. nang makaalis ako sa bar. Kinaya ko naman mag-isa ang kalasingan ko. Parang trumpo nga lang ang ulo ko habang naglalakad pauwi. Nagsabay pa ang pagtawid ko at ang malakas na pagbusina ng sasakyan na papalapit na sa'kin. I almost got hit. Laking gulat ko na lang din nang bumaba mula ro'n sina Amara at Erica.





"We've been looking everywhere for you! Anong ginagawa mo?!" Yugyog sa'kin ni Amara nang makalapit siya. "Lasing ka?! And you're walking down the street like this?! Oh my god, Myra! Anong nasa isip mo?!" she exclaimed. Napahilamos pa siya ng mukha dahil sa inis.






"Please, don't do this to yourself..." Lapit sa'kin ni Erica. Her voice got weaker.





"I-I'm sorry..."


"Mapapalitan ba niyan ang pag-aalala namin sa'yo at ang buhay mo kapag nadisgrasya ka?! What's going on with you?!" Amara's eyes got teary so as mine.


"Hindi ko na alam... Hindi ko na rin maintindihan..." I covered my face as I burst into tears again. I'm down on my knees. "Ang alam ko lang ay pagod na ako. Pagod na pagod na ako. Ayoko na..."



From on to off the camera, from showbiz to private lives, lahat masakit. None of these would happened if I'm not around. He should be living a peaceful life than getting involved with issues. He shouldn't be with me at all. I caused him too much that I can't even forgive myself about it.

The Spotlight of Destiny (A Lover in Paris 1)Where stories live. Discover now